Pasig River Esplanade prayoridad na proyekto ni FL Liza Marcos

Pasig River Esplanade prayoridad na proyekto ni FL Liza Marcos

Ervin Santiago - July 14, 2024 - 02:24 PM

Pasig River Esplanade prayoridad na proyekto ni FL Liza Marcos

BUONG suporta ang ibinibigay ni First Lady Liza Araneta-Marcos para mapadali ang ginagawang Pasig River Esplanade sa kahabaan ng Pasig River.

Kapag naisakatuparan na ang naturang proyekto, maituturing na itong isang tourist destination tulad ng Seine ng Paris at ng River Thames sa London.

Pinangunahan ng First Lady Liza at ni Pangulong Bongbong Marcos ang inauguration ng 500-metro showcase sa Plaza Mexico, malapit sa Post Office sa Manila, kamakailan lamang.

Pasyalang mala-Europe ang vibes pero nasa Maynila lang, ganyan kung ilalarawan ang Pasig River Esplanade na bahagi ng proyekto ng Office of the First Lady para muling buhayin ang Ilog Pasig.

Ang beautification project para sa 25-kilometrong haba ng Pasig River Pathway ay isa sa mga prayoridad  na proyekto sa ilalim ng Office of the First Lady, katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Baka Bet Mo: FL Liza Marcos binisita ng 2 anak ni Kris: ‘The world is healing!’

“Rest assured that apart from our enthusiasm and optimism, the First Lady and I will provide our all-out support and commitment to the completion of this project, and hopefully in three years’ time, that will be our goal,” ang sabi ni Pangulong Marcos sa inauguration ceremony.

Sa kanyang talumpati, sinabi rin ng Pangulo na naging bahagi na ng kanyang paglaki ang Pasig River dahil sa tabi nito sila nakatira noong nasa Malacañang pa ang kanyang yumaong amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr..

Kaya panahon na, ayon sa Pangulo, para ayusin at pagandahin ang Pasig River at gawing pasyalan at sentro ng turismo habang pinapalakas ang paggamit ng transportasyon sa pamamagitan ng libreng sakay ng motorboat.

Ang pagpapaganda sa Pasig River ay pinangangasiwaan ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development at kasamang tumutulong dito si First Lady Liza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending