Ivana umalis sa Batang Quiapo hindi tsinugi: Ayaw na, pagod na!

Ivana umalis sa Batang Quiapo hindi tsinugi: Ayaw na niya, pagod na!

Reggee Bonoan - July 09, 2024 - 09:00 AM

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA nitong Sabado, July 6 na tatanggalin na si Ivana Alawi sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Nabanggit namin na nag-last taping day na ang karakter ng aktres na si Bubbles na love interest ni Tanggol played by Coco Martin pagkatapos mawala si Lovi Poe sa serye as Mokang.

Sa online show na Marites University na pinangungunahan nina Jun Nardo, Mr. Fu, Rose Garcia at Ambet Nabus ay kasama sina Ivana at Kim Domingo da tinalakay tungkol sa tsugihang mangyayari sa “Batang Quiapo”.

Baka Bet Mo: Coco bumawi kay Julia matapos mag-trending ang love scene nila ni Ivana sa Batang Quiapo; nag-date sa Italy

Kuwento ni Ambet base sa kanyang pag-iimbestiga tungkol sa tsikang aalisin na nga si Ivana, “The very soon pa ‘yan magaganap (mawawala) kasi mahaba-haba pa ‘yung nai-tape nitong si Ivana Alawi.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Tanong ni Jun, “Tsutsugihin ba siya sa Batang Quiapo?”

Sagot ni Ambet, “E, mukhang aalisin siya kasi diumano masyado nang nagdidiva-divahan, nag-a-attitude na sabi ng mga Marites do’n sa production (BQ) kaya bago pa nangyari ‘yung paghahanap ng ipapalit sa kanya (may bangko na), nakapag-three months advance ‘yung nai-shoot na nila.”

Sabi pa ni Ambet, “Sabi ko nga ‘yung asawa ni McCoy de Leon doon hindi pa nanganganak last year pa. Ha-hahahaha! Sino nga ‘yung artistang ‘yun?” Na ang tinutukoy ay si Yuki Takashi.

“Anyway, iyon ang lumabas na balita ngayon (tsutsugihin na si Ivana) nu’ng inilabas na ‘yung teaser na may bagong karakter na papasok either kalaban o kakampi ni Tanggol kung sakali,” sabi pa.

Baka Bet Mo: Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Hirit ni Mr. Fu, “Baka naman love triangle?”

“Hindi, pero sinabi na nga rin dahil sa reklamo ng mga staff kaya pinakinggan na itong hiling (tanggalin si Ivana),” sagot ni Ambet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Depensa ni Rose na publicist ng PPL Entertainment na nagma-manage ng career ni Ivana ay nagtanong na rin siya tungkol dito sa isyu.

“So, inalam ko na agad sabi ko, ‘how true na papalitan na si Ivana ni Kim Domingo sa Batang Quiapo? And how true na nag-a-attitude raw si Ivana kaya tsutsugihin na siya.’

“Well, correction daw unang-una nandiyan pa si Ivana na baka hanggang end of this month pa ang taping niya (sa Batang Quiapo).

“It’s true na mawawala na siya sa Batang Quiapo dahil ayaw na! Pagod na! That’s the statement na sinabi sa akin. Ayaw na, pagod na. Pagod na siguro si Ivana.

“Kung papansinin ninyo si Ivana hindi naman talaga siya ‘yung ano, ang gagamitin kong term hayok o ‘yung anong-ano na magka-project,” pahayag ni Rose.

Hirit ni Ambet, “Hindi niya (Ivana) kailangan (ng trabaho).”

Dagdag pa ni Rose, “Saka tinanong ko ‘yung (diva attitude), e hindi raw.”

Tumawa si Ambet, “Siyempre (ide-deny). Ha-hahahaha!”

“Well sabi ko sa inyo, there’s always two sides. Baka sa production tingin nila nag-a-attitude. Baka naman si Ivana meron din siyang napapansin or whatever na concern.

“Anyway, ang kausap talaga diyan ni Ivana ay si Ms. Cory Vidanes (Chief Operation Officer ng Kapamilya channel) so ‘yun ang nakakaalam din,” esplika ni Rose.

Ayon naman kay Ambet, matagal pang mapapanood si Ivana sa “Batang Quiapo” kaya sa mga nag-aabang ay hindi pa agad-agad mawawala sa show ang aktres.

Samantala, ang komento naman ni Rose sa pagpasok ni Kim bilang bagong partner ni Coco, “Actually sinimulan na naman nila (Kapamilya channel) ito sa may teaser, may pahulaan na naman (habang nakatingin sa monitor na nakatakip ang mukha ni Kim) guessing game sino ba ‘to?

“Alam mo nu’ng una nga alam ko si Ryza Cenon, eh dahil sa mata (hindi na puwede si Ryza dahil siya ang gumanap bilang batang Irma Adlawan) pero may nanghula rin talaga ng Kim Domingo.

“Ako personally, nag-shrug off ako do’n sa Kim Domingo kasi GMA siya before.  Hindi ko nga alam kung end (of) contract na siya,” nagtatakang sabi ng isa sa host ng “MU.”

Nabanggit daw kasi noon ni Kim na ayaw na niyang mag-showbiz at hirit pa niya ayaw na niyang magpa-sexy, so, namimili na raw talaga siya ng mga gagawin.

Hirit ni Jun, “Ang huli yata niyang (project) ay Start-Up (Alden Richards at Bea Alonzo).”

“Yes, na walang kaseksihan ‘yun, so, after that wala na, pero ang alam ko kasi dati diyan may contract pa siya pero ngayon kung nasa Batang Quiapo na siya baka naman either binili na (buy out) or baka naman nag-ENDO (end of contract) na. Anyway, siya ang bagong leading lady ni Coco sa Batang Quiapo,” pahayag ni Rose.

Hayan naklaro na ng kampo ni Ivana na ayaw na niyang mag-taping dahil pagod na siya kaya mawawala na siya bilang si Bubbles sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo nga naman, kumikita ang vlog niya ng milyones sa isang buwan bakit pa nga naman niya pupuyatin ang sarili sa taping na hindi gaanong kalakihan ang talent fee kung ikukumpara sa kita niya sa YouTube?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending