Ivana Alawi susunod na bang matsutsugi sa 'Batang Quiapo'?

Ivana Alawi susunod na bang matsutsugi sa ‘Batang Quiapo’?

Reggee Bonoan - July 06, 2024 - 03:52 PM

Ivana Alawi susunod na bang matsutsugi sa 'Batang Quiapo'?

Ivana Alawi

MAY nabasa kaming post na pahulaan kung sino ang susunod na mawawala na ang karakter sa “FPJ’s Batang Quiapo” pagkatapos nina Yce Navarro at Elijah Canlas.

Ang mga nakita naming larawan at pangalan ay sina Ms Charo Santos-Concio (Tindeng), Christopher de Leon (Ramon), Cherry Pie Picache (Marites), John Estrada (Rigor), Tessie Tomas (Senora Bettina), Jaime Fabregas (Don Facundo), McCoy de Leon (David), Joel Lamangan (Roda), Senator Lito Lapid (Supremo), Lorna Tolentino (Amanda) at Ivana Alawi (Bubbles).

Binasa namin ang komento ng netizens at marami ang nagsabing si Bubbles dahil may gagawing pelikula na si Ivana bukod pa sa may bago ng leading lady si Coco Martin as Tanggol, si Kim Domingo.

Posible rin naman dahil sa Friday episode ng Batang Quiapo ay may ipinakitang babaeng naka baseball cap na nakatingin sa kinaroroonan nina Tanggol.

Baka Bet Mo: Ivana natatakot pa rin kapag nagba-vlog sa kalye: Pwede akong sapakin!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Na-curious kami kung sinong karakter ang mawawala na at nalaman naming si Ivana pala, ang galing ng netizens na Marites din.

Personal assistant ng isa sa cast ng “Batang Quiapo ang nakausap naming at nabanggit niyang, “Si Bubbles po, tatanggalin na raw.”

Tanong naming, ‘nag last taping na?’

Personal assistant, “opo, nakapag last taping na si Bubbles.”

Ang tsika pa ng aming kausap, “lagi po kasing hindi puwede si Bubbles pag may taping, may lakad tapos pag pinakikiusapan siyang mag extend ng oras, ayaw niya, umaalis na agad saka po hindi masyado nakikipag-usap.”

Matagal na naming naririnig na hindi namamansin o namimili ng papansinin si Ivana sa set ng Batang Quiapo pag dumarating daw ito ay diretso sa tent niya o standby area at laging nakadutdot sa cellphone.

Pag tatawagin na para mag-take ay nakasimangot at saka lang kunwari mamansin kapag magka-eksena na sila ng kung sinuman.

Naalala naming sabi ng ganap sa set ng BQ, “si Coco lang naman pinapansin no’n. Ang mahal-mahal ng ngiti, saka diva siya, Reggs.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay saka lang naming naalalang matagal na nga pala itong naikuwento sa amin at iba-blind item sana naming pero dahil sa rami na ng mga nakaka-tsikahan namin ay nalimutan na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ngayon, hindi na blind item ang aktres na diva ang ugali sa set ng isang serye at hindi namamansin dahil pinangalanan na namin.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Ivana o ng kampo niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending