Elijah natsugi na sa ‘Batang Quiapo’, hindi na kayang isabay sa ‘High Streets’?
AKALA namin ay magtatagal ang karakter ni Elijah Canlas bilang si Pablo Caballero sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang tagapagmana ng lolo at lola niyang sina Jaime Fabregas bilang si Don Facundo at Tessie Tomas as Senora Bettina, ngunit hindi pala.
Sa panayam kasi ni Elijah sa vlog na “Ogie Diaz Inspires” ay natanong siya ng host kung okay pa ang mental health niya dahil sa iba-ibang karakter na ginagampanan niya tulad ng “Batang Quiapo” at at “High Street” bilang si Archimedes o Archie.
Sinagot naman ito ni Elijah na kinakaya niya at nagpapa-psychiatrist silang buong pamilya at kailangan ding laging abala sa trabaho ang aktor para pagdating niya ng bahay nila ay tulog na siya sa pagod at wala nang time mag-isip.
Kaya nagtataka kami kung bakit pinatay na si Pablo sa “Batang Quiapo,” sumuko na kaya siya dahil hindi niya kaya ang dalawang serye at dahil totally wala na siyang buhay o panahon sa sarili?
Nagtapos na ang karakter ni Elijah nitong July 4 episode ng “Batang Quiapo” dahil talagang hindi siya tinigilan ni Tanggol played by Coco Martin hanggang mamatay siya bilang pagtatanggol kay Ivana na ginawan ng masama ni Elijah.
Baka Bet Mo: Elijah umaming kumonsulta sa psychiatrist nang pumanaw ang kapatid
Natupad na rin ni Tanggol ang pangako niyang ipaghiganti si Bubbles kay Pablo na talagang gigil na gigil kasama na ring nagtapos ang karakter ni Yce Navarro bilang si Ruben na alalay.
Nitong episode ng July 2 ay nakamit ng BQ ang panibagong viewership record na 532,780 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live.
Sunod-sunod na maaaksyong tagpo ang dapat pang abangan ng mga manonood dahil nakatakdang magharap sina Tanggol at David (Mccoy De Leon).
Malalagay pa sa delikadong sitwasyon si Tanggol dahil manggagalaiti sa galit ang inaakalang kapatid na tunay at magbabantang papatayin niya ang kuya niya.
Kaya abangan ang mga susunod na mangyayari sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo kung sino ang susunod na matsu-tsugi mula sa orihinal na kuwento ng Regal Films at gabi-gabi itong napapanood ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.
I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.