Elijah kumonsulta sa psychiatrist nang pumanaw ang kapatid

Elijah umaming kumonsulta sa psychiatrist nang pumanaw ang kapatid

Reggee Bonoan - June 18, 2024 - 07:40 AM

Elijah umaming kumonsulta sa psychiatrist nang pumanaw ang kapatid

Elijah Canlas at JM Canlas

“HINDI ko masyadong nauupuan o napag-iisapan,” ang diretsong sagot ni Elijah Canlas nang tanungin tungkol sa kanyang mental health.

So solong panayam kay Elijah ng “Ogie Diaz Inspires” (YouTube channel) ay naikuwento ang iba’t ibang karakter na ginagampanan niya tulad sa “FPJ’s Batang Quiapo” na pinabago ang tono ng boses niya at nagpatubo rin ng bigote.

Natanong ni Ogie kung kumusta siya dahil marami siyang karakter na ginagampanan at baka nalilito na siya sa mga ito.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas binalikan ang alaala ng namayapang kapatid na si JM: ‘Walang makahihigit sa ‘yo, enjoy ka lang diyan! No goodbyes…I’ll see you later’

“Bago ako nagsimula sa Batang Quiapo I was regularly seeing a psychiatrist dahil when my brother passed away last year kinailangan namin ng pamilya, isa-isa kami,” pagtatapat ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


Tanong ni Ogie, “Isa-isa kayong (miyembro ng pamilya) nagpa-consult?”

“Opo, minsan may pareho kaming psych at nagta-try din kami sa ibang psych, hiwa-hiwalay kami minsan, minsan magkasama magulang ko kasi it’s something na we never really experience this amount of grief and hindi namin alam kung paano i-process.

“So, ‘yung sinasabi ninyo kung kumusta ang mental health ko hindi ko rin alam kung paano ko sasagutin kasi grateful ako, blessed ako with work, blessed ako with a lot of job halos araw-araw may kailangang gawin.

“Halos araw-araw may mga commitments, may mga trabahong kailangang gampanan kaya pag umuuwi ako siyempre tulog (sa pagod) na lang ‘yan,” kuwento ng aktor.

Umaming hindi na rin niya gaanong nakikita ang mga kaibigan sa rami ng ganap sa kanyang career.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga

“Hindi po sa nagrereklamo ako, I’m really grateful now pero ‘yun nga po hindi ko rin talaga alam paano sagutin mama Ogs. Minsan sasabihin, ‘okay ka ba?’ Sagot ko, ‘oo okay ako.’

“Pero minsan alam kong hindi ako okay lalo na kapag mag-isa na lang ako sa kuwarto or pag nagda-drive ako or pag mga panahong nakatengga ka or wala kang ginagawa do’n bigla kong naaalala ang kapatid ko tapos bubuhos na ang luha ko (sabay pakita ng eulogy video ni Elijah sa burol ng bunsong kapatid).

“Kahit ‘yung pamilya ko, it’s not something that we can just move on from, di ba Mama Ogs? The way that he passed away it’s not hard to blame ourselves.

“And ako tinatanggap ko na may kasalanan talaga ako, nagkulang talaga ako sa lahat (atensiyon, panahon, emosyon) ‘yun. Lahat ng ‘yun nagkulang ako kay JM (yumaong kapatid) kasi nu’ng mga panahong yun busy din sa trabaho nagsisimula ‘yung Senior High (online series).

“Tapos naka-focus ako sa pangarap ko, naka-focus ako sa pag-provide, naka-focus ako sa trabaho para sa pamilya, they are my main inspiration and do’n kami nagkulang (kay JM).

“Alam naman naming he’s going through it and we’re breaking on it like nagme-med siya, nagsa-psych siya nu’ng time na ‘yun pero it’s enough.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


“Yung attention, love ay ibinigay namin sa kanya and that’s okay, decision niya ‘yun and habang buhay kong pagsisisihan personally and alam ko na marami kaming pagsisisi, my mom, my dad, my kuya pero wala na kaming magagawa ganu’n siya, hindi na natin mababalikan ‘yun.

“Life goes on, pero ako nga sabi ko hinding-hindi ko siya makakalimutan.  Alam kong maraming kabataan, maraming mga tao na pinagdaraanan ang pinagdaanan ng kapatid ko.

“I personally went through it when I was the same age as he was but I was able to save myself (coz) at lot of people helped me also. They were able to help me get over that,” mahabang kuwento ni Elijah.

Sa kasalukuyan ay nagtayo ng foundation ang pamilya Canlas, “Ang layunin namin ay makatulong sa mga adolescents na nag-struggle rin with their mental health sa panahon ngayon marami talaga para makabawi rin sa kanya (JM) dahil mahirap mawalan ng mahal sa buhay and I know a lot of people went through that.”

At blessed din daw si Elijah dahil busy siya sa work kaya hindi niya gaanong nabibigyan ng pansin ang lungkot dahil focus siya sa ginagawa niya.

“Way of coping ko ngayon ay ang pagiging busy at pagta-trabaho at the same time hindi ko alam kung mawawala ba ito ever itong pagsisi ko di ba?

“Kasi (usapan) tatanda kaming magkakasama, magkakapamilya kami dapat magkaka-anak ako, magkaka-anak siya, tatanda kaming magkasama pero hindi na nga mangyayari ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero may kuya Jerome pa naman ako and hindi namin alam kung mawawala bai to ever pero we have to keep going kasi ang sakit mawalan,” pigil ang luhang pahayag ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending