Ivana Alawi deadma sa bashers, hindi nagbabasa ng comments

Ivana Alawi deadma sa bashers, hindi nagbabasa ng comments

Therese Arceo - June 18, 2024 - 08:27 AM

Ivana Alawi deadma sa bashers, hindi nagbabasa ng comments

ISA sa pinakamalaking aral na natutunan ng Kapmilya actress na si Ivana Alawi ay ang huwag pansinin ang mga bashers.

Ito raw ay kanyang na-realize nang siya ay naging isang contrnt creator.

Sa naging panayam sa ABS-CBN News noong Biyernes, June 14, inamin ni Ivana na noon raw ay talagang pumapatos siya sa mga negatibong komento ng mga netizens laban sa kanya.

Ilan kasi sa mga ipinupukol ng netizens sa kanya noon ay ang pagpaparetoke raw niya at ang for pagiging hubadera.

Baka Bet Mo: Ivana natatakot pa rin kapag nagba-vlog sa kalye: Pwede akong sapakin!

Bandera IG

“Dati talaga nagbabasa ako ng [comments] pero ‘yong manager ko tinuruan ako na don’t read, deadma na,” saad ni Ivana.

Aniya, hindi naman daw lahat ng tao ay mapi-please niya.

“That’s something that you should always keep in mind na may mga taong magugustuhan ito, may mga taong hindi,” dagdag pa ni Ivana.

Kaya naman mas pinili na lang niya na huwag nang magbasa ng mga komento tungkol sa kanya.

“Pero tuloy-tuloy lang ako. I don’t read comments na. Kung hindi nila gusto, salamat pa rin. Kasi kung papa-control ako sa kanila, anong maiisip kong content?” hirit pa ni Ivana.

Naging bukas rin ang aktres sa proseso ng pagbuo niya ng kanyang mga vlogs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Usually kapag may content or may pinost ako, I always make sure na authentic ‘yong pino-post ko,” lahad ni Ivana.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang importante sa akin ay walang script. Just be yourself. Tuloy-tuloy naman siya kung anong maisip ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending