Ivana Alawi maraming 'alaala' sa sardinas: 'Blessing 'yan!'

Ivana Alawi maraming ‘alaala’ sa sardinas, hirit niya: ‘Blessing ‘yan!’

Pauline del Rosario - May 25, 2024 - 06:20 PM

Ivana Alawi maraming 'alaala' sa sardinas, hirit niya: 'Blessing 'yan!'

Ivana Alawi

MAGANDA na, wala pang arte!

Isa ‘yan sa mga naging komento ng ilang netizens matapos ibandera ni Ivana Alawi ang pagkain niya ng sardinas sa isang TikTok post.

Magugunitang mainit na napag-usapan sa social media ang de latang sardinas dahil sa kontrobersyal na “Sardinas Eating Challenge” ng content creator na si Tito Mars.

Sa mini vlog ni Ivana, sinabi niya na kakauwi lang niya mula sa taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” at bigla raw siyang nag-crave sa sardinas dahil lagi niya ito nakikita sa kanyang For You Page o FYP recently.

Mapapanood na kinuha niya ang isang lata ng sardinas at ibinuhos sa kanyang kanin.

Baka Bet Mo: Pokwang sa vlogger na diring-diri sa sardinas: ‘Umayon sa itsura ang kaartehan!’

“Sobrang sarap nito with calamansi and sili,” pagmamalaki ng aktres.

Kwento pa ni Ivana, marami siyang alaala pagdating sa pagkain ng sardinas dahil mula pa ‘nung bata pa siya ay kumakain na siya nito.

“Sobrang bango at talagang ang dami kong naaalala sa pagkain na ‘to, kasi since bata [pa ako], ‘yan na ‘yung kinakain ko,” chika niya sa post.

Kitang-kita na sarap na sarap sa kanyang dinner si Ivana at walang arte na nagkakamay pa.

Kasunod niyan ay nag-iwan siya ng paalala sa madlang pipol, “Alam niyo guys, basta may pagkain tayo, blessing na ‘yan.”

“Kaya dapat nagpapasalamat tayo at siyempre, huwag magsasayang ng pagkain,” aniya pa.

@ivanaalawi Sardines ❤️ #fyp ♬ original sound – Ivana Alawi

Sa comment section, maraming netizens ang bumilib at humanga kay Ivana at ikinumpara pa kay Tito Mars.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Maganda + walang arte = Ivana”

“Tito Mars ano na, Ivana na’ to [laughing emojis]”

“Ate Ivana pinaparinggan mo yata si Tito Mars. Go ate ilaban mo po ‘yung sardinas.”

“Tito Mars Ivana ‘to ah…sinampal ka na ng kagandahan!”

“Buti ka pa idol. ‘Yung Tito Mars diring-diri sa sardinas.”

Kung matatandaan, nauna nang nag-react ang komedyanang si Pokwang kaugnay sa “Sardinas Eating Challenge” ni Tito Mars.

Hindi niya ito pinangalanan, pero maraming netizens ang nagsasabing pinaringgan nito ang nabanggit na content creator.

Sa pamamagitan ng Instagram, tinalakan ni Pokwang ang sinasabi niyang content creator na diring-diri sa sardinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Walang problema kung ayaw mo sa isang pagkain pero ‘yung umarte ka at umasta na para bang diring-diri ka sa uri ng pagkain na ‘yun…napaka insensitive mo ha,” caption ng aktres.

Wika pa niya, “Mga tao talaga ngayon makagawa lang ng content kahit mawalan na ng pusong tao walang pakialam for the views!!!!! Very evil!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending