Ivana Alawi gumawa ng paraan upang makausap si Ogie Diaz

Ivana Alawi gumawa ng paraan upang makausap si Ogie Diaz: ‘Okay na kami!’

Reggee Bonoan - May 24, 2024 - 09:27 AM

Ivana Alawi gumawa ng paraan upang makausap si Ogie Diaz: 'Okay na kami!'

Ivana Alawi, Ogie Diaz

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon, May 23, tungkol sa pangde-dedma ni Ivana Alawi kay Ogie Diaz nang dumalaw ito sa set ng “FPJ’s Batang Quiapo” kamakailan.

Naikwento ni Ogie sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena na gumawa raw ng paraan si Ivana para magkausap sila.

“’Di ba hindi ako pinansin ni Ivana? O ‘di nag-exert ng effort si Ivana para alam mo ‘yun magkapaliwanagan kami (at) nagkaayos kami,” bungad ni Ogie.

Napapalakpak naman si Mama Loi sa magandang balitang ito ni Ogie dahil finally nagkausap na sila ni Ivana.

Sabi pa ng content creator at talent manager, “Sabi ko nga sa kanya (Ivana), ‘alam mo sobra kong na-appreciate ang effort mo.  You really get out of your way to reach out, sobrang appreciate ko ‘yung effort mo.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi kumita ng P10-M sa live-selling sa loob lang ng ilang oras

“Kung naka-offend sa kanya ‘yung mga naikuwento natin dito (Showbiz Update), ‘yung encounter ko sa kanya na hindi niya ako pinansin, okay na kami.  Sabi ko, ‘next time pag may concern ka o may concern ako magtawagan tayo, o di all’s well that ends well.”

Baka nga wala lang sa mood nang magkita sina Ogie at Ivana dahil mainit sa location at nabanggit din naman ng una na naka-focus ang huli sa kanyang electric fan.

Kaya naman din dumalaw si Ogie sa “Batang Quiapo” ay para dalawin ang mga alagang sina Ara Davao na gumaganap na kapatid ni Elijah Canlas at apo naman nina Tessie Tomas at Jaime Fabregas na love interest ni McCoy de Leon kahit may live-in partner na siya na si Yukii Takahashi.

At si Kim Rodriguez naman ay gumaganap bilang kaibigan ni Ivana na nagtatrabaho sa club ni Nino Muhlach at may gusto kay Coco Martin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Ogie ay gusto lang niyang i-check kung paano umarte ang dalawang aktres sa BQ.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending