Ivana Alawi dinedma si Ogie Diaz sa taping ng 'Batang Quiapo'?

Ivana Alawi dinedma si Ogie Diaz sa taping ng ‘Batang Quiapo’ ni Coco?

Reggee Bonoan - May 23, 2024 - 08:42 AM

Ivana Alawi dinedma si Ogie Diaz sa taping ng 'Batang Quiapo' ni Coco?

Ogie Diaz at Ivana Alawi

DINEDMA ni Ivana Alawi ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz nang magkita sila sa set ng “FPJ’s Batang Quiapo” kamakailan.

Dinalaw kasi ni Ogie ang mga alagang sina Kim Rodrigez at Ara Davao sa set ng seryeng “Batang Quiapo” para makita  ang kani-kanilang pag-arte at nabanggit niyang nandoon din ang veteran actress na si Jean Saburit na bagong pasok sa “BQ”.

Baka Bet Mo: Bela Padilla natupad ang pangarap na mag-direk sa ‘366’

Naibahagi ito ni Ogie sa latest vlog nila sa “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs. Natanong ni Mama Loi kung sino pa ang ibang nakita ni Ogie sa set bukod kina Jean Saburit, Diwata at Coco Martin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Sino pa ‘Nay? si Ivana Alawi nakita mo?” tanong ni Mama Loi.

“Nakita ko, hindi ko lang alam kung nakita niya ako. Ha-hahaha!” masayang tugon ni Ogie.

Nagulat si Mama Loi, “Ha? Sa laki mong ‘yan (di ka nakita)?”

“Ha-hahahaha! Bineso ko, eh, dedma,” natawang sabi pa ni Ogie.

“Totoo?” sambit ni Mama Loi.

Baka Bet Mo: Karla Estrada sinorpresa si Daniel Padilla sa lock-in taping

“Yes!  E, nahiya na ako baka lang sobra siyang pinapawisan that time (kaya dedma). Focus na focus siya ro’n sa electric fan niya. E, nakikipaghuntahan din ako parang hindi rin naman niya ako nakikita,” natawang sabi ulit ni Ogie.

“Ay bakit? Anong isyu?” takang tanong ni Mama Loi.

“Ha-hahaha! Baka ‘yung dating isyu dito.  (Showbiz Update). Ha-hahaha! Hayaan mo na,” sagot ni Ogie.

Hindi naman binanggit nina Ogie kung anong isyu ito kaya hindi na rin namin isusulat para hindi na muling pag-usapan pa.

“Hayaan mo na, baka sobrang init din ng time na ‘yun baka wala lang siya sa mood,” katwiran ng talent manager.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Hirit ni Mama Loi, “Malay mo pagbalik mo (batiin ka na).”

“Ay, hindi na ako babati, ‘no? Inisnab ka na nga babati ka pa? Ha-hahahaha! Pero babalik pa ako ro’n hindi para kay Ivana kundi para sa ibang tao na,” giit ni Ogie.

Sabay paalala ni Mama Loi na pagbalik ni Ogie ay sana banggitin na nito kay Coco na buhayin ang karakter nila ni Dyosa Pockoh sa “Batang Quiapo” at humirit din si Tita Jegs na isama siya.

Samantala, masaya ring ibinalita ni Ogie na sa YouTube niya napapanood ang “Batang Quiapo” at nagugulat siya dahil hindi bumababa ng 100,000 ang nanonood kada oras.

Kuwento naman ng aming source ay  laging overload sa sponsors ang “FPJ’s Batang Quiapo” kaya sobrang inspirado ang Team “BQ” na sa kabila ng hirap nila sa set ay ibinabalik naman ito ng mga tagasubaybay nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending