Bela Padilla natupad ang pangarap na mag-direk sa '366' | Bandera

Bela Padilla natupad ang pangarap na mag-direk sa ‘366’

Reggee Bonoan |February 25,2022
facebook
share this

Bela Padilla natupad ang pangarap na mag-direk sa ‘366’

Reggee Bonoan - February 25, 2022 - 04:30 PM

Bela Padilla natupad ang pangarap na mag-direk sa '366'

ANG isa sa pangarap ni Bela Padilla na maging direktor ay natupad na dahil siya mismo ang nag-direk ng sariling pelikula, ang “366” produced ng Viva Films at mapapanood ito sa Vivamax sometime in April with Zanjoe Marudo and JC Santos.

Mag-isang humarap sa virtual mediacon si Bela nitong Huwebes ng tanghali na kasalukuyang nasa London siya at ini-enjoy niya ang ordinaryong buhay niya roon.

At bilang direktor na rin si Bela at siya rin ang bida bukod pa na siya rin ang sumusulat ng sarili niyang script kaya naikumpara siya kay Coco Martin na ganito rin ang papel sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, actor/scriptwriter at director.

Napangiti muna si Bela, “That is very sweet maraming salamat. Coco is a very, very talented person bukod sa pagiging actor/director kahit noong umpisa palang ng Probinsyano nu’ng nandoon pa ako siya rin ang nagko-conceptualize ng maraming plot ng Probinsyano, so, he’s really a creative force, I guess in his generaton, in his world, so, I’m very happy for him and very proud of him.

“I think malayo pa ‘yung kailangan kong tahakin para masabing ka-level ko si Coco (sanay tawa) kasi Coco (sabay taas ng kamay) ‘yun, eh.

“Pag umabot na po ako sa suweldo ni Coco, masasabi ko na talaga na ka-level ko na siya.

“But seriously, I’m happy to be compared to Coco because I have great respect to him as ‘yun nga sa creative force but we do different projects, I cannot…hindi ko kayang mag-direk ng action, I cannot come up with action scenes.

“And I guess in the same way na baka there are things na I can do na hindi naman kayang gawin ni Coco, so we’re very different, ‘yun. Thank you.”

Anong klaseng direktor si Bela? Katulad din ba siya ng ibang direktor na nagagalit at nagmumura sa set?

“Naku never ayoko ng….kahit sa ibang set, nate-tense ako kapag may ibang direktor na nagmumura, never pa akong namura ng direktor to be fair, never pa akong nasigawan, ah hindi baka nasigawan na ako noong baguhan ako, pero ‘yung diretsong ikaw mismo ang mumurahin parang never pa nangyari sa akin ‘yun.

“But I’ve seen it happened and ayaw na ayaw ko ‘yung nangyayari sa artista kapag nasisigawan sila o kahit hindi artista kahit crew or kapag nasigawan, nakikita mo silang mag-close as a person.

“Once na nag-close ka na, ‘shocks napagalitan ako o pumalpak ako hindi ka na creative, eh kasi parang nasa loob ka na ng shell mo ulit. Also at the end of the day, trabaho lang ‘to hindi tayo dapat umaabot na minumura natin ‘yung ka-trabaho natin.

“Kasi kung nasa office tayo right now hindi naman tayo puwedeng magsigawan at hindi ko puwedeng murahin ‘yung secretary ko or kung sinuman ‘yung katabi ko sa office. Hindi naman po normal, so, dapat hindi ginagawa talaga.

“And maraming ways to to evoke emotions hindi naman kailangang takutin ‘yung mga tao para umiyak sila,”paliwanag ni Bela.

Sa paniniwala niya baka siguro hindi maibigay ng artista ang emosyong hinihingi ng direktor ay hindi pa handa.

“They’re not ready yet, they need more education, need more training baka that’s one thing to consider, I hope,” saad ng aktres/direktora.

Dagdag pa, “kung lagi kang nasisigawan ng direktor mo o namumura baka panahon na para mag-workshop ka or baka dapat mag consider ka na ng options mo to learn acting, so, hindi ka nasisigawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

“Definitely that’s a no-no in my set, I don’t entertain that idea of people being bad temperered in my set.

“‘Yun ang number one rule ko sa set ng “366”, bawal ma-badtrip, so, gusto ko good vibes lagi sa set ayaw ko nang nagtataas ng boses. Unang-una kasi ang boses ko hindi ganu’n kalakas pag may ibang nagsisigawan at nagbigay ako ng instruction hindi na nila ako maririnig, so, kung puwede lahat kalma lang tayo, chill na chill lang, so, nagpapatugtog lang kami ng music sa set very malumanay.

“Kung made-describe ko ‘yung set ko, dalagang Filipina ‘yung set ko. And one thing I also love directing kaya nasabi kong mauulit ko siya is I guess watching (the) whole creation after kong ma-edit, ‘shocks ito ‘yung sinulat ko, now pelikula na , gusto kong maramdaman ‘yun ulit.”

Samantala, kasama rin sa “366” sina Alma Moreno, Josef Elizalde at Kat Galang with cameo role ang boyfriend niyang si Norman Bay bilang stand in ni JC na hindi nakarating sa Istanbul, Turkey dahil hindi naayos kaagad ang travel document.

Naibahagi rin ni Bela na natawa siya kay Kat dahil sa sobrang kakaisip niya na ang ito ang gusto niyang gumanap sa eksena sa “366” ay ‘Kat’ din ang karakter niya.

“Bagay naman ang Kat na pangalan mo, so ikaw na si Kat,”sabi raw ni Bela sa aktres.

Dagdag pa, “she’s non negotiable for me like I really wanted Kat for that role to the point na nag-adjust po kami sa schedule niya kasi she was working on something else.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa si Kat Galang sa busiest actress ngayong pandemic dahil kaliwa’t kanan ang ginagawa niya bukod pa sa regular siya sa seryeng Nina Nino na nasa ikatlong season na at umeere ito sa TV5.

At kaya “366” ang titulo ng pelikula ay kuwento ito ng moving on sa taong nawalan ng minamahal na aabutin ng 365 days para completely healed na siya.

Related Chika:
Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!
Jane lilipad na bilang Darna, aalis na sa ‘Probinsyano’; Bela walang isyu kina Neil at Angel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending