Jane lilipad na bilang Darna, aalis na sa 'Probinsyano'; Bela walang isyu kina Neil at Angel Bandera

Jane lilipad na bilang Darna, aalis na sa ‘Probinsyano’; Bela walang isyu kina Neil at Angel

Reggee Bonoan |July 28,2021
share this

Jane lilipad na bilang Darna, aalis na sa ‘Probinsyano’; Bela walang isyu kina Neil at Angel

Reggee Bonoan July 28, 2021 - 05:19 PM

NASA United Kingdom si Bela Padilla ngayon kung saan sila nagkita ng Swiss boyfriend niyang si Norman Bay and at the same time, dinalaw din ng aktres ang kapatid niya kung saan siya mananatili roon ng 10 days.

Sa panayam kay Bela ng vlogger at writer na si G3 San Diego ay napag-usapan nila ang naging relasyon niya sa producer-fiancé ni Angel Locsin na si Neil Arce. 

Apat na taong naging magkarelasyon sina Bela at Neil at naghiwalay sila noong Enero, 2017 at Setyembre ng parehong taon ay nabalitang exclusively dating naman na ang huli sa aktres na si Angel Locsin.

Ayon kay Bela ay nanatili silang magkaibigan ni Neil, “Neil is very mature, I’m also very mature. Angel, I still consider a friend. Like I feel like if she needs anything from me or I need anything from her, we can still go to each other. Like there’s no animosity at all.

“There’s no need for me to cut ties if I don’t have to. The showbiz industry in the Philippines is very small. I don’t want to avoid going to a certain building because I might run into someone. I hate that feeling. Why would I stress myself like that?” aniya pa.

Nabanggit din na kailangan ng maturity para maging kaibigan niya ang exes niya.

“(Depende) your personality types. Like I’m very non-confrontational. I feel like Neil is also non-confrontational. Angel is as well.

“Like we’re also at an age where we don’t need to fight or bicker anymore, and there’s really nothing to fight about. Because the reason why we broke up is because we didn’t like each other that way anymore,” saad ng aktres.

Naikuwento rin nitong ilang beses silang nagkikita ni Angel lalo’t pareho silang may serye noon sa Dreamscape Entertainment at kilala ang business head nitong si Deo Endrinal na mahilig magkaroon ng lunch o dinner sa lahat ng artista niya kasama na rin ang production team bilang bonding.

Nangyari raw ito ng manalo si ‘Gel bilang Best Actress for TV sa The General’s Daughter at inimbita siya ng aktres.

Kuwento ni Bela, “I won best actress for film and she won best actress for TV. So she asked me if I wanted to have dinner after and Dimples (Romana) was there.

“So parang alam mo ‘yun, it’s nice that we are open minded enough to be friends. Kasi ‘yun nga eh, the world is so small. There’s so much going on, there’s a pandemic going on. It’s just easier to be okay with everybody, and to know that you’re not afraid to run into someone or that you’re hurting someone,” aniya pa.

Sa kasalukuyan ay nakita namin ang latest post ni Bela sa kanyang Instagram account na kasama niya ang boyfriend niyang si Norman sa get together kasama ang kapatid niya at miyembro ng pamilya.

Ang caption ng aktres, “My sisters outdid themselves yesterday.”

* * *

Finally, lilipad na si Jane de Leon bilang si Darna dahil back to taping na siya kaya mamamaalam na siya bilang si Captain Lia Mante sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Magsisimula nang mag-taping para sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ngayong Setyembre si Jane kaya tinatapos na niya ang mga natitira niyang eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano.

Mapapanood ang mas maaksyong “FPJ’s Ang Probinsyano” sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending