Ces Quesada na-sad din sa KathNiel breakup: Na-shock ako!

Ces Quesada na-sad din sa KathNiel breakup: Shocked talaga ‘ko!

Ervin Santiago - June 13, 2024 - 06:10 AM

Ces Quesada na-sad din sa KathNiel breakup: Na-shock talaga ako!

Ces Quesada, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

KAHIT pala ang beteranang aktres na si Ces Quesada ay nalungkot at nanghinayang sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nakasama ni Ces ang dating celebrity couple sa hit Kapamilya romcom series na “2 Good To Be True” na umere noong 2022).

“Uy, nalulungkot ako ha,” ang pag-amin ng veteran star nang tanungin ng ating colleague sa panulat na si Rommel Gonzales tungkol sa breakup ng KathNiel sa presscon ng bagong TV5 series na “Padyak Princess” starring Miles Ocampo.

Baka Bet Mo: Ces Drilon pinasok na rin ang pag-aartista: It’s the time of experimentation…

“Alam mo si Kath at si Daniel nakasama ko ang mga iyan sa Princess and I (umere noong 2012 sa ABS-CBN) pa, hindi pa sila noon,” sabi ni Ces.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KathNiel (@kathnielofficial)


“By the end of the series lang yata sila napapabalita noon. So, ganu’n katagal ko na silang nakilala.

“Ngayon, nu’ng narinig ko na ano, nalungkot ako kasi napaka-sweet ng dalawang iyon.

“Sila yung tipong alam mo naman na sikat na sikat pero sila yung unang bumabati sa iyo, walang hangin sa ulo palagi kang tinatanong kung kumusta ka na, ganyan-ganyan,” pahayag ng aktres.

“So malungkot siyempre, na-shock ako siyempre, kasi sa mga nakikita ko naman dati parang ano naman sila, maigi naman, oo.

Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez aprub kay Zanjoe para kay Ria: Gustong-gusto ko siya!

“Hindi ko naman sila kasama panay-panay ano, pero ang tagal, tsaka kumbaga sa observation ko sa tuwing magsasama o magge-guesting kami e ayos naman,” dagdag pa niyang pahayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ces Quesada (@ceciliaquesadilla)


Sa tanong kung sa tingin niya ay may chance pang magkabalikan ang ex-couple, “Naku, hindi natin alam iyon dahil hindi natin alam ang mga totoong nangyari, sila lang ang nakakaalam nu’n.

“Kung magkabalikan, well, masaya siguro, maraming sasaya pero kung hindi man, siguro masaya din sila sa kani-kanilang desisyon,” tugon ni Ces Quesada.

Samantala, napapanood ngayon ang beteranang aktres sa daytime series ng TV na “Padyak Princess” bago mag-“Eat Bulaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Miles, ka-join din sa bagong programa ng Kapatid Network sina Ara Mina, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jameson Blake, Jem Manicad, Joao Constancia, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo at Miel Espinoza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending