Miles happy uli kay Elijah: Sorry, pero sa amin na lang muna yun!

Miles super happy uli kay Elijah: Sorry, pero sa amin na lang muna yun!

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 07:48 AM

Miles sa relasyon nila ni Elijah: Sorry, pero sa amin na lang muna yun!

Miles Ocampo, Elijah Canlas, Joao Constancia at Jameson Blake

READING between the lines, mukhang nagkabalikan na nga sina Miles Ocampo at Elijah Canlas, base sa naging pahayag ng aktres tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ayaw diretsahin ng “Eat Bulaga” Dabarkads kung boyfriend na niya uli si Elijah pero sa mga naging sagot niya nang tanungin about the award-winning actor, parang sila na nga uli.

Nakausap namin si Miles at ng iba pang members ng press sa mediacon ng latest daytime series ng TV5 na kanyang pinagbibidahan, ang “Padyak Princess” na magsisimula na sa June 10.

Dito nga natanong ang dalaga kung totoong nagkabalikan na sila ni Elijah after nilang maghiwalay last year.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas pinigilan ang feelings kay Miles Ocampo: ‘Kasi ayoko talagang nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko’

“We’re happy, we’re happy. Yun na lang po ang gusto kong i-share talaga kasi kaming dalawa, masaya naman po kami talaga

“I feel like sa lahat ng nangyari, mas gusto na lang namin na tahimik na lang. Basta, ‘yun po ang maise-share ko, masaya kami,” ang tugon ni Miles.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inulit naman sa kanya ang tanong kung sila na ba uli at ine-enjoy na ang kanilang second chance, nag-isip muna si Miles at nagsabing pinagpapawisan siya sa mga questions about her lovelife.

“Parang feeling ko, hindi naman kailangang malaman ng lahat as long as kung ano po ang nakikita n’yo na masaya kami, masaya kami.

“Sorry, sobrang ingat lang po ako sumagot pagdating sa ganito kasi ayoko rin namang ma-feel nila na I’m using it dahil may show lang na pino-promote.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo ‘biggest blessing’ si Elijah Canlas: I love you with all my heart

“Gusto ko lang pong sabihin talaga na we’re happy right now at kung anuman po ang mga nangyari sa amin, sa amin na lang ‘yun.

“Kumbaga, ‘di naman din kami madamot. Kung ano pong kaya naming i-share, ise-share namin, pero for now, masaya po kami,” marespeto namang pakiusap ni Miles sa press.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, super excited na si Miles sa pag-ere ng “Padyak Princes” sa TV5 dahil ito ang kauna-unahang pagbibida niya sa isang teleserye.

Gagampanan ni Miles ang role ni Princess, isang charming at determinadong babae na nangangarap iligtas ang reputasyon ng kanyang pamilya at ibalik ang golden years ng kanilang Barangay Singko.

Maraming pagsubok ang haharapin ni Princess kung saan mapipilitan siyang tumayo bilang breadwinner at itawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi basta-basta matitinag si Princess dahil handa siyang harapin ang bawat hamon ng buhay na may tapang, determinasyon, at may halong saya.

Kilala bilang former child star na ngayon ay award-winning actress na dahil sa kanyang natatanging talento, handa na si Miles sa kanyang role sa bagong serye ng TV5.

Ang “Padyak Princess” ay puno ng heartwarming moments, inspiring triumphs, at nakakatuwang mga karakter na tiyak na kaaaliwan ng mga noontime viewers.

Kasama rin dito sina Ara Mina, Ces Quesada, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jameson Blake, Jem Manicad, Joao Constancia, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo, at Miel Espinoza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang pagganap ni Miles Ocampo bilang “Padyak Princess” sa TV5, 11:15 a.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula June 10. Meron din itong catch-up episodes sa BuKo channel ng 7:30 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending