Jeron Teng magiging ama na, ibinandera ang pagbubuntis ni misis

Jeron Teng magiging daddy na, ibinandera ang pagbubuntis ng asawa

Ervin Santiago - June 04, 2024 - 12:05 AM

Jeron Teng magiging daddy na, ibinandera ang pagbubuntis ng asawa

Jeanine Beatrice Tsoi at Jeron Teng

YES, confirmed! Magiging daddy na nga ang professional basketball player na si Jeron Teng.

Mismong ang cager ang nag-announce sa pamamagitan ng social media na buntis na ang kanyang asawang si Jeanine Beatrice Tsoi sa panganay nilang anak.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng San Miguel Beermen player ang good news kalakip ang litrato nila ni Jeanine Beatrice.

Makikita sa naturang photo si Jeanine na proud na proud sa kanyang baby bump at may caption na, “And then we were three.”

Bumuhos naman ang “congratulatory” message mula sa mga nagmamahal at sumusuporta sa mag-asawang Jeron at Jeanine.

Baka Bet Mo: Jeron Teng ikinasal na sa kanyang partner na si Jeanine Tsoi

Ilan sa nag-iwan ng comment sa naturang IG post ay sina Melissa Gohing-Nacino, volleyball star Kim Fajardo, coach Charles Tiu, at influencer na si Laureen Uy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeron Teng (@jeronalvinteng)


Nagpakasal sina Jeanine at Jerome noong October, 2023 sa San Agustin Church na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Sabi ng mga fans ni Jeron, siguradong mas magiging inspired ang basketball player sa paglaban ng San Miguel sa PBA All-Filipino Conference Finals game kontra Meralco Bolts.

Sa isang panayam pagkatapos ng kanilang kasal ay natanong ang PBA player kung anu-ano ang mga bagong nadiskubre niya sa asawa na hindi niya alam noong mag-girlfriend pa lamang sila.

Baka Bet Mo: Khalil inakusahang gumamit ng pro camera sa concert ni Harry Styles, resbak ni Gabbi: Sadyang magaling lang talaga dyowa ko!

“This is kinda hard for me to answer because we’ve been together for like eight years before we got married. So, we really got to know each other that time.

“But siguro, one thing that I learned about Jeanine is that she’s super sensitive, even when she’s sleeping. So yun mga noises can really interrupt her sleep.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And sometimes she complains about my snoring. Ha-hahaha! When I’m too tired, especially from games and trainings, I tend to snore and she’d tell me the next day about my snoring the night before,” ang natatawa pa ring sagot ni Jeron.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending