Khalil inakusahang gumamit ng pro camera sa concert ni Harry Styles, resbak ni Gabbi: Sadyang magaling lang talaga dyowa ko! | Bandera

Khalil inakusahang gumamit ng pro camera sa concert ni Harry Styles, resbak ni Gabbi: Sadyang magaling lang talaga dyowa ko!

Pauline del Rosario |March 19,2023
facebook
share this

Khalil inakusahang gumamit ng pro camera sa concert ni Harry Styles, resbak ni Gabbi: Sadyang magaling lang talaga dyowa ko!

Pauline del Rosario - March 19, 2023 - 11:19 AM
Khalil inakusahang gumamit ng pro camera sa concert ni Harry Styles, resbak ni Gabbi: Sadyang magaling lang talaga dyowa ko!

PHOTO: Instagram/@khalilramos

IPINAGTANGGOL ng aktres na si Gabbi Garcia ang kanyang boyfriend na aktor na si Khalil Ramos sa social media.

‘Yan ay matapos mapagbintangan si Khalil na gumamit ng professional camera sa concert ni Harry Styles kamakailan lang.

Para sa kaalaman ng marami, ipinagbabawal sa mga concert ang pagdadala at paggamit ng camera na may removable lense upang maiwasan ang unauthorized selling ng mga ito.

Anyway, maganda kasi at talaga namang high quality ang ibinanderang pictures ng aktor na nakunan niya sa British singer kaya naintriga ang ilang netizens.

Burado na ang post ng nag-comment, pero ang sinabi niya kay Khalil ay “Bawal professional camera diba [Smiling Face emoji] hmmm cge.”

Agad naman itong nireplyan ni Gabbi at sinabing alam naman nila ang patakaran pagdating sa mga concert.

Baka Bet Mo: Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Iginiit din niya na cellphone lang ang ginamit ng kanyang boyfriend.

“He took those photos using his phone. Edited it using the app ‘Lightroom’ [winking emoji] we all followed the rules na bawal ang “professional” camera,” tweet ng aktres.

Dagdag pa niya, “Sadyang magaling lang talaga jowa ko @TheKhalilRamos

Saad naman ni Khalil sa isa pang Twitter post, hindi rin high-end na phone ang kanyang ginamit.

Tanging basic editing at setup lamang sa phone ang kanyang ginawa kaya naging maganda ang kalidad ng mga litrato.

Saad ni Khalil, “Believe it or not, these were all shot with a smartphone. And no it’s not a high end one (check my IG for the specific model).”

Sey pa niya, “Basic editing, composition and understanding exposure is all you need.”

Tila nakipagpustahan pa si Khalil at sinabing bibigyan niya ng camera ang sinumang magpapatunay na nagdala siya ng professional camera.

“Hahahahaha if anyone can prove i brought a professional cam, bibigyan ko ng camera!! [laughing emoji],” tweet niya.

Saad pa niya, “but seriously, smartphone cameras are really good nowadays. You just have to learn how to use them [wink emoji].”

Isang fan naman ang napa-comment at sinabing witness siya na cellphone lang ang ginamit ng aktor dahil nakatabi pa niya ang couple sa concert.

Ibinandera rin ng netizen ang groupie nilang tatlo habang nasa event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“PHONE CAMERA PO ANG GAMIT!! NANDUN AKO, KITA KO SIYA NAGTETAKE PHOTOS NI HARRY HEHEHE. NAKATABI KO KAYO ATE GABBI AND KUYA KHALIL!! HEHEHEHE HI [yellow heart emoji],” tweet ng isang netizen.

Related Chika:

Alden game na game sa project kasama sina Bea at John Lloyd; Gabbi, Khalil muntik nang maghiwalay

Payo ng tatay ni Gabbi Garcia sa pakikipagrelasyon: Huwag na huwag mong kalilimutan kung sino ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending