Payo ng tatay ni Gabbi Garcia sa pakikipagrelasyon: Huwag na huwag mong kalilimutan kung sino ka | Bandera

Payo ng tatay ni Gabbi Garcia sa pakikipagrelasyon: Huwag na huwag mong kalilimutan kung sino ka

Ervin Santiago |June 21,2022
facebook
share this

Payo ng tatay ni Gabbi Garcia sa pakikipagrelasyon: Huwag na huwag mong kalilimutan kung sino ka

Ervin Santiago - June 21, 2022 - 07:37 AM

Gabbi Garcia at Vince Lopez

PARA sa Kapuso actress-TV host at singer na si Gabbi Garcia, araw-araw ang selebrasyon ng Father’s Day dahil palagi niyang inaalala sa lahat ng ginagawa niya sa buhay ang kanyang tatay.

Nitong nagdaang Araw ng Mga Ama, muling inisa-isa ng dalaga ang mga aral na ibinahagi sa kanya ng kanyang tatay na si Vince Lopez na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kanyang puso at isip.

Isa sa mga nabanggit niya ay ang payo nito tungkol sa pakikipagrelasyon. Super happy naman daw ang aktres sa piling ng kanyang dyowa na si Khalil Ramos at in fairness, solid na solid pa rin ang samahan nila until now.

Sabi raw ng kanyang tatay, huwag kalimutan ang sarili at ang kanyang “individuality” kahit pa may boyfriend na siya.

“Don’t forget who you are. Never forget yourself and kahit na nasa relationship kayo may individuality pa rin kayo.

“Na-appreciate ko lahat ng mga advice na ibinibigay nila sa akin at ‘yung guidance nila, kaya na-appreciate ko na okay din ‘yung relationship nila with Khalil. It makes life so peaceful,” anang Kapuso actress sa panayam ng “24 Oras” kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Samantala, nabanggit din ni Gabbi na namana niya ang pagiging sporty at adrenaline junkie sa kanyang tatay.

“Nagba-bike kami, nagfa-firing kami, nagda-dive kami. Lahat ng sa side ng pagiging adventurous ko, si daddy talaga ‘yung kasama ko,” sey ng dalaga na aminado ring isang certified daddy’s girl.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Khalil na dedma na sila sa mga bashers at haters sa social media na pilit na nangnenega sa relasyon nila ni Gabbi.

“What’s most important is that we were getting into this relationship with an intention that is pure, that is not because of toxic reason. It’s full of intention and purpose.

“We laid out the foundation as friends first and eventually we grew individually and together and down the line we realized that we fit like a glove.

Sey naman ni Gabbi, “There are a lot of people in showbiz, a lot of guys you can meet. But that’s why love is there. Love isn’t just all about butterflies and rainbows, it’s a commitment.

“Sometimes you don’t love the person every day, sometimes you even hate the person. But we choose each other, no matter what happens. No matter how many guys ask for my number,” ang biro pa ni Gabbi sabay tingin kay Khalil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gabbi Garcia naiyak sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA; type sumabak sa LGBTQ project

Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Alden game na game sa project kasama sina Bea at John Lloyd; Gabbi, Khalil muntik nang maghiwalay

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending