Alden game na game sa project kasama sina Bea at John Lloyd; Gabbi, Khalil muntik nang maghiwalay Bandera

Alden game na game sa project kasama sina Bea at John Lloyd; Gabbi, Khalil muntik nang maghiwalay

Ervin Santiago |October 25,2021
share this

Alden game na game sa project kasama sina Bea at John Lloyd; Gabbi, Khalil muntik nang maghiwalay

Ervin Santiago October 25, 2021 - 02:55 PM

Alden Richards, Gabbi Garcia at Khalil Ramos

NABIKTIMA na rin ng paasa at manlolokong lalaki ang Kapuso actress at TV host na si Gabbi Garcia.

Ito ang inamin ng dalaga sa isang episode ng kanyang YouTube vlog series na “Figure It Out” kasama ang boyfriend niyang si Khalil Ramos.

Sa isang bahagi ng nasabing six-part vlog series ay napag-usapan ng celebrity couple ang pagiging heartbroken. 

Dito, nabanggit nga ni Gabbi na talagang nagkaroon siya ng trust issues noon. Sabi ng Kapuso star, naranasan na rin niya ang maloko ng dati niyang karelasyon.

“Wow, a lot! A guy cheated on me. I feel like that’s the most common trust issue, unfortunately. I questioned everything, it took a toll on me. I questioned my worth, I questioned why…am I not good enough?” pahayag ni Gabbi.

“I was super damaged, I felt like it had a big impact on my life, na parang after that I learned how to love myself more,” dugtong pa ng girlfriend ng Kapuso actor-singer na si Khalil.

Nai-relate pa niya ang kanyang trust issues sa naging away nila dati ni Khalil. Sobrang galit na galit daw siya noon sa kanyang sarili dahil sa nagawang pagkakamali. 

“I have a lot of angry moments, I’ll share the time I was so angry at myself.

“That time when I almost lost you. I was so angry at myself and so frustrated, because everything was my fault. I was so angry because I was so stupid to do such a thing,” paliwanag pa ng dalaga.

Dito rin naikuwento ni Gabbi na may pagkakataong na-carried away siya sa isang pangyayari kaya may nagawa siyang “something” na muntik nang maging dahilan ng paghihiwalay nila ni Khalil.

Khalil Ramos sa panloloko ng ex-dyowa: Worst years of my life


* * *

Ngayon pa lang ay super excited na si Alden Richards kung magkakaroon nga siya ng project kasama ang mga iniidolo niyang sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Matagal nang napapabalita ang paglipat ni John Lloyd sa GMA pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon ang network about this kaya abangers pa rin ang lahat kung matutuloy nga ito.

Kaya nang matanong ang Asia’s Multimedia Star kung posible nga kayang magsama-sama sila nina Bea at John Lloyd sa teleserye o pelikula, kitang-kita ang excitement sa kanyang itsura.

“Mas game pa po sa game. Kasi idol ko po ang dalawang iyon. And a few years back, there was a Christmas party at parehas po kasi kami ng stylist ni JLC at saka ni Bea. 

“So nagkita kami doon and parang sa buong buhay ko po ng pagiging artista, first time ko pong naging fanboy.

“Kasi sobra ko pong idol ang dalawang iyon and to be given an opportunity to work with them in a project, aba po, let’s go, ngayon na! Kahit bukas na po ang quarantine, game po ako,” pahayag ng Kapuso Drama Prince.

Pahabol pa niya, “Hindi pa ako artista, fan na ako ng loveteam nila. Siguro forever fanboy ako ng team-up na iyon.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending