Lie Reposposa hindi buntis, sinagot ang dahilan ng pagpayat

Lie Reposposa hindi buntis, sinagot ang dahilan ng pagpayat

Therese Arceo - May 22, 2024 - 06:05 PM

Lie Reposposa hindi buntis, sinagot ang dahilan ng pagpayat

NAGING bukas ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Lie Reposposa ukol sa tunay na dahilan ng kanyang pagpayat.

Sa kanyang Facebook page ay isiniwalat ng dalaga na mayroon siyang dinaramdam na sakit ngayon na siyang dahilan ng pagbaba ng kanyang timbang.

“Madaming nagtatanong at nagulat bakit sobrang payat ko na losyang tignan mas maganda kung mataba ako pero nagka PTB at anemia po ako mahirap gumalaw at mahina yong katawan ko,” lahad ni Lie.

Pagpapatuloy pa niya, hirap na rin siya sa paglakad.

Baka Bet Mo: Lie Reposposa, dyowang afam na si Paul magkasama na uli matapos ang ‘cheating issue’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Pati paglakad minsan kailangan ng alalay dahil parang matutumba ako at wala din akong ganang kumain parang malapit na mag byebye,” sabi pa ni Lie.

Idinaan pa nga nito ang iniindang sakit.

“kapagod mag we’ll miss you nalang kayo ng advance para malaman ko sino talaga may paki sakin joke lang hahahhaha laban,” hirit pa ni Lie.

Nilinaw rin ng dalaga ang isyu na nagdadalang tao siya.

“Gusto ko lang din po sabihin na hindi po talaga ako buntis sinasabayan ko lang po yong mga taong nag sasabing buntis ako sorry po sa mga nag expect at napaniwala ko hehe yun lang Godbless,” sey pa ni Lie.

Kamakailan ay nag-viral ang video ng isang netizen kung saan nakasama niya ang dalaga at ang boyfriend nito habang nakasakay sa bangka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending