Lie Reposposa 'nakipaghalikan' sa ibang afam, inakusahan ng netizens ng panloloko sa British dyowa | Bandera

Lie Reposposa ‘nakipaghalikan’ sa ibang afam, inakusahan ng netizens ng panloloko sa British dyowa

Therese Arceo |August 09,2023
facebook
share this

Lie Reposposa ‘nakipaghalikan’ sa ibang afam, inakusahan ng netizens ng panloloko sa British dyowa

Therese Arceo - August 09, 2023 - 04:10 PM

 Lie Reposposa 'nakipaghalikan' sa ibang afam, inakusahan ng netizens ng panloloko sa British dyowa
USAP-USAPAN ng mga Marites ang panloloko umano ng dating “Pinoy Big Brother” teen housemate na si Lie Reposposa sa kanyang British boyfriend na si Paul Joshua Marsden.

Viral ngayon sa social media lalo na sa TikTok ang isang video kung saan makikitang diumano’y nakikipagtukaan ang dalaga sa isang foreigner sa isang bar sa Poblacion, Makati.

Ang naturang video ay kuha noong Sabado, August 5. Medyo malabo ang viral video at malayo ang shot kaya hindi kumpirmado kung si Lie nga ba ang babae sa video na pinagpipiyestahan ngayon ng netizens.

Ngunit caption ng nag-upload, “can’t deny talaga na hindi yan si ano. pag ka post na pag ka post ng video na to kagabi nakita agad ni guy. nasaktan siya talaga ng sobra.”

Mukhang ang pinatutungkulan nito ay ang long distance dyowa ni Lie.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang video.

May ilang naniniwala na ang dalaga nga ang nakikipaghalikan samantalang ang iba ay sinasabing malabo masyado ang video kaya hindi masigurado kung totoong ang dating PBB housemate ang nasa video.

Baka Bet Mo: Engagement ni Ex-PBB housemate Lie Reposposa sa kanyang British BF fake news: ‘Promise ring pa lang po yung isinuot sa akin’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kung totoo man yung cheating issue ni Lie Reposposa, baka isisi nyo nanaman sa alak yung nangyari,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “GRABE if siya man talaga yan. Engage pa naman na sila.”

“Ang layo para maging si lie yan braso palang e! magkaparihas lang buhok,” sey naman ng isa.

May nga screenshot rin na kumakalat kung saan makikitang nag-react ang dyowa nito na may username na @Coolguy032904.

“Its crazy, we are engaged. We tell the public we are not because of her management but we are meant to get married in the new year. Can’t believe it,” saad ng dyowa ni Lie.

Pagpapatuloy nito, “2 weeks and we are meant to be together, 3 months we are meant to live together, 5 months we are meant to get married. Seeing this has killed me inside.”

Ito ay taliwas sa naging paglilinaw noon ni Lie nang mag-guest ito sa “Magandang Buhay” at nausisa ukol sa kanyang boyfriend.

Sinabi niyang promise ring lang ang ibinigay ng binata at hindi pa sila engaged.

Samantala, wala pa namang pahayag si Lie ukol sa isyu ngunit nag-post ito ng larawan nilang magkasama. Naka-turn off rin ang comment section ng kanilang IG at TikTok account.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng Kapamilya star ukol rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ex-PBB housemate ipinahiya ng teacher nang hindi makapagpasa ng portfolio; tinawag pang ‘feeling artista’

Lie Reposposa engaged na sa British boyfriend, request ng netizens: App reveal naman dyan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending