Lie Reposposa ibinandera ang dyowang foreigner: You're my sun and moon | Bandera

Lie Reposposa ibinandera ang dyowang foreigner: You’re my sun and moon

Therese Arceo - December 17, 2022 - 10:30 PM

Lie Reposposa ibinandera ang dyowang foreigner: You're my sun and moon
IPINAKILALA ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Lie Reposposa ang kanyang dyowang foreigner sa madlang pipol.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanilang mga larawan na magkasama sa isang clothing store.

“[You’re] my sun and moon your everything between in the middle of the stars collide with you,” saad ni Lie sa caption.

Makikita ring nag-upload ang dyowa ng dalaga na nakilala bilang Paul ng video sa kanyang Instagram na may caption na “Happy Days”.

Umani naman ng samu’t saring komento ang naturang post ni Lie mula sa mga netizens maging sa mga kaibigan niya sa showbiz.

“May nanalo na,” saad ni Kiara Takahashi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lie (@liereposposaofc)

Comment naman ni Enzo Almario, “Ay iba den!!!”

Sey naman ng isang netizen, “Ay jusko Lie ang pinagpalang babae sa lahat. Mapapa sana ol na lang talaga. Wag mo na pakawalan yan para kang nanalo sa lotto. Pagkaingatan mo yan. 1 in a million chance char.”

Matatandaang naging housemate noon ang dalaga sa “Pinoy Big Brother Otso” noong 2019 kung saan nasungkit nito ang ikaanim na spot.

Bukod rito, sumali rin si Lie sa Tawag ng Tanghalan ng “It’s Showtime” ngunit hindi ito nanalo.

Nag-trending rin noon ang dalaga nang maglabas ito ng sama ng loob matapos niyang mapag-alaman ang pangba-back stab sa kanya ng kanyang guro.

Ibinahagi nga niya sa kanyang social media accounts ang screenshot ng mensahe ng kanyang guro habang kausap ang iba pang mga estudyante na kanyang mga kaklase. asabihan pa nga siya na ‘feeling artista” raw ito.

“Diko alam anong mararamdaman ko maiiyak ba ako o maiinis. Gusto ko lang naman pag sabayin yong pag aaral at pagtatrabaho. Kaya nag ALS ako para matulungan ko magulang ko,” pagbabahagi ni Lie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ex-PBB housemate ipinahiya ng teacher nang hindi makapagpasa ng portfolio; tinawag pang ‘feeling artista’

PBB housemate Lie Reposposa umaming crush si Fumiya; Big Brother may paalala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending