Ex-PBB housemate ipinahiya ng teacher nang hindi makapagpasa ng portfolio; tinawag pang 'feeling artista' | Bandera

Ex-PBB housemate ipinahiya ng teacher nang hindi makapagpasa ng portfolio; tinawag pang ‘feeling artista’

Therese Arceo - September 14, 2021 - 04:14 PM

DUMAGSA ang suporta para sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Lie Reposposa matapos diumano’y mabully at mabackstab ng kaniyang acting teacher.

Kasalukuyan kasing nag-aaral ang dalaga sa ilalim ng Alternative Learning System o ALS ksabay ng kaniyang pagtatrabaho.

Ngunit hindi agad nakapagpasa ang dalaga ng kaniyang requirements gaya ng module at portfolio kaya pumunta ito sa gurong si Cristine Teja.

Pinili na lamang ng dalaga na mag-drop at babawi na lang sa susunod na school year dahil hindi nito kakayanin ang dami ng requirements.

Sa halip raw na tulungan ay tila pinahiya pa ng guro ang dalaga sa kanilang group chat.

Napag-alaman ito ni Lie dahil may isang nag-send sa kanya ng screenshot ng naging usapan sa isang gc kung saan naka-block siya.

Base sa mga screenshot ay sinabi ng guro na nagpunta raw sa bahay niya ang dalaga at parang basang sisiw na umalis.

“Di ko siya pinilit at nag insist na tulungan sya. Sorry nagkamali siya ng kinalaban.

“San ka pa nakakita magpapasa ng portfolio screenshot lang ng online hawa niya. Ul*l ba siya?

“Actually pwede sana gawa ng paraan yun eh kaso ni di ko makita sa sarili niya ‘yung effort at pagmamadali kaya last na to.

“Feeling artista,” ilan lamang ito sa mga sinabi ng guro base sa screenshot na kumalat online.

Dahil dito ay napalabas ng saloobin ang dalaga sa kaniyang social media account.

“Diko alam anong mararamdaman ko maiiyak ba ako o maiinis. Gusto ko lang naman pag sabayon yong pag aaral ay pagtatrabaho.

“Kaya nag ALS ako para matulungan ko magulang ko at para din sa future kahit papano, makapag tapos nako. kaso di talaga mawawala mga gantong tao na gagawa ng paraan para pag mukhain kang walang alam.

Sige po kayo nalang matapino kasi nakapagpasa kayo ng module at portfolio ng buo e. Ako kasi di ko kaya magbayad ng malaki para bigyan ng pasang awa na grades. Salamat sa Acting Teacher jan. Godbless ang Panginoon na bahala sayo.”

Napareact naman ang mga netizens sa inasal ng guro sa dalaga.

“Luh! Ang hirap ng sitwasyon nating lahat. Isang entitled teacher na naman ang sumira sa pangarap ng isang batang gusto lang naman makapagtapos,” comment ng isang netizen.

Mayroon rin ang tila naka-react sa nangyari kay Lie.

“Hays, nagong working student ako, pinagsabay yung sa college and work, may mga ganyan talagang guro na hindi naiintindihan ang sitwasyon na meron ka, but in the end meron pa rin mabubuting puso na guro na kayang bigyang pansin yung mga kagaya namen at malaking pasasalamat ko sakanila. Laban lang lie makakapagtapos ka din,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay burado ang post ng dalaga ukol sa kaniyang saloobin sa ginawa ng guro sa kanya.

Bukas ang BANDERA para sa panig nina Lie at ng kaniyang guro hinggil sa isyu na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending