Lie Reposposa may 'matinding' tampo sa pamilya?

Lie Reposposa naglabas ng sama ng loob, may ‘matinding’ tampo sa pamilya?

Reggee Bonoan - May 26, 2024 - 11:08 AM

Lie Reposposa naglabas ng sama ng loob, may 'matinding' tampo sa pamilya?

PHOTO: Facebook/Angelie Reposposa

MARAMING nagulat sa itsura ngayon ng ex-housemate ng Pinoy Big Brother Otso na content creator na ngayon na si Angelie ‘Lie’ Reposposa dahil sobrang bumagsak ang katawan nito.

Si Lie ay isang taon nang engaged sa British boyfriend niyang si Paul Joshua Marshden at in-anunsyo nila ito noong Pebrero 2023 at kasalukuyang magkasama na ang dalawa sa iisang bubong.

Masayahin si Lie base sa mga video post kasama ang fiancé, pero nitong huli ay malaki ang pagbabago nito sa kanyang pangangatawan bagay na napansin ng netizen kaya’t kaliwa’t kanan na ang pagtatanong sa kanya kaya’t inamin niyang maysakit siya.

“Madaming nagtatanong at nagulat bakit sobrang payat ko na losyang tignan mas maganda kung mataba ako pero nagka PTB (pulmonary tuberculosis) at anemia po ako mahirap gumalaw at mahina ‘yong katawan ko pati paglakad minsan kailangan ng alalay dahil parang matutumba ako at wala din akong ganang kumain parang malapit na mag bye-bye kapagod mag-we’ll miss you nalang kayo ng advance para malaman ko sino talaga may paki sa ‘kin joke lang hahahhaha laban,” sey niya.

Baka Bet Mo: Lie Reposposa ‘nakipaghalikan’ sa ibang afam, inakusahan ng netizens ng panloloko sa British dyowa

Patuloy ni Lie, “Pero gusto ko lang din po sabihin na hindi po talaga ako buntis sinasabayan ko lang po ‘yung mga taong nag sasabing buntis ako sorry po sa mga nag expect at napaniwala ko hehe yun lang God bless.”

At dahil sa itsura ay gustong makita ulit ni Lie ang sarili kaya muli siyang nag-ayos at nag-make up.

Aniya, “kagabi wala akong magawa kaya napag-isipan ko na mag make up dahil gusto ko makita ulit yong sarili ko na naka ayos kasi matagal na din na hindi ako nag aayos at ito na ‘yong result happy naman ako mukha lang hindi dahil hindi ako nakangiti sa picture before and after dapat pala mag make up ako everyday para kahit may sakit slay.”

At nitong isang araw ay naglabas na ng sama ng loob si Lie tungkol sa pamilya niya sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na gusto lang naman daw niyang tumulong pero ang ending ay pinasagot na sa kanya ang lahat.

Aniya,“Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob hindi ko alam kung tama or mali ba ‘tong gagawin ko pero sobra na as a bread winner nakakapagod din noong una gusto ko lang naman tumulong hanggang sa naging obligation ko na lahat 1 lang ako pero 7 ‘yong dapat bubuhayin ko.”

Nabanggit pa na kapag may hindi naibigay si Lie ay masama na siya sa kanyang pamilya at sariling ina ay siniraan pa siya.

“Ang masakit pa para sa akin tinulongan ko naman sila pero pag hindi ko nabigay ang gusto nila nagiging masama na ako kasalanan ko pa sariling mama ko pa mag chi-chismis sakin sa mga kumare niya s’yempre nasasaktan din ako,” sey niya sa post.

Patuloy niya, “Dito sa Marites na’to na triggered talaga ako kaya di ko tatakpan pangalan at mukha mo at gusto ko din malaman ng mga chismosa na ka marites ni mama na binilhan ko na sila ng farm this year dahil ‘yan ‘yong laging request nila sa akin.”

Nagbibigay ng pambayad ng kuryente at tubig si Lie pero hindi raw naibayad kaya nag-doble ito at siya pa rin ang pinagbayad at pati groceries ay nagbibigay din siya.

Sambit pa ng content creator, “Iyong kuryente at tubig ako na ang nagbabayad niyan lahat pero nagsinungaling sila sa akin ‘yong pera na binigay ko na budget para sa kuryente at tubig in total of 12k hindi napunta dun ‘yong pera kaya nag double ang bills pero sino nag bayad ako pa rin ‘yong sa utang binayaran ko na yan lahat dati pero desisyon nila na bumalik ulit at sa mga groceries namin binibigyan ko din sila at hindi naman ako malakas kumain kaya napupunta lang din sa kanila.”

Marahil sinilip ng pamilya niya na laging sa fastfood kumakain ang fiancé ni Lie na si Paul kaya nagpaliwanag din dito ang dalaga.

“’Yong jowa ko hindi sanay sa filipino food kaya siya nag o-order ng mga Mcdo at Jollibee,” saad niya.

Dagdag pa, “Sa pamilya ko may tampo lang ako pero alam ko namang maayos din namin to nag share lang din ako ng side ko dahil puro side ninyo ang naririnig ng mga ka-marites (ninyo), na one-sided puro chismis lang naman ang alam at di din naman tumulong sa pamilya ko ayaw ko sana umabot sa ganito pero mas naiintindihan niyo kasi ako kapag dito kasi di niyo naman ako pinapakinggan gusto niyo problema niyo lang iisipin ko pero may problema din ako pero sinasarili ko lang sana mafeel ko ulit na pamilya ko talaga kayo na tayo ang magtutulongan hindi nag sasakitan. God bless.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, maraming netizens ang kumampi kay Lie at sinabing hindi obligasyon ng anak ang magulang niya at mga kapatid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending