Lie Reposposa, dyowang afam na si Paul magkasama na uli

Lie Reposposa, dyowang afam na si Paul magkasama na uli matapos ang ‘cheating issue’

Pauline del Rosario |August 27,2023
facebook
share this

Lie Reposposa, dyowang afam na si Paul magkasama na uli matapos ang ‘cheating issue’

Pauline del Rosario - August 27, 2023 - 04:22 PM

Lie Reposposa, dyowang afam na si Paul magkasama na uli matapos ang ‘cheating issue’

PHOTO: Instagram/@liereposposaofc

MUKHANG maayos naman ang relasyon ng dating “Pinoy Big Brother” teen housemate na si Lie Reposposa sa kanyang British boyfriend na si Paul Joshua Marsden.

Magkasama na kasi ulit ang dalawa sa kabila ng kumakalat na “cheating issue” ng aktres.

Sa latest Instagram post ni Lie, ibinandera niya ang sweet photo nila ng long distance relationship na boyfriend.

May video rin na kung saan makikita ang kanyang pagsundo sa airport.

“Finally after 6 months [holding back tears, heart hands emojis],” caption niya sa post.

Baka Bet Mo: Lie Reposposa hirap mag-English kapag kausap ang dyowang afam: Palaban ako sa Google translate!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Magugunita nitong buwan lang ng Agosto nang mag-viral ang isang video kung saan makikitang diumano’y nagkikipaghalikan ang isang dalaga sa isang foreigner sa isang bar sa Poblacion, Makati.

Medyo malabo ang nasabing video, pero marami ang naniniwala na ang babae ay si Lie, habang ang lalake ay hindi ‘yung boyfriend niya.

May iilan ding nagsabi na malabo masyado ang video kaya hindi masigurado kung totoong ang dating PBB housemate ang nasa video.

Samantala, noong Abril naman nang pinabulaanan ni Lie na engaged na siya sa dyowang afam.

Paglilinaw niya, ang ibinigay sa kanya ni Paul ay isang “promise ring” lamang.

Kung matatandaan, taong 2019 nang sumali si Lie sa reality series na “PBB” na kung saan ay itinanghal siyang sixth place.

Kasunod niyan ay naglabas siya ng kanyang debut single na may titulong “Sana Sana.”

Bukod diyan ay sumali rin siya sa “Tawag ng Tanghalan,” ang singing contest segment ng noontime show na “It’s Showtime.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Engagement ni Ex-PBB housemate Lie Reposposa sa kanyang British BF fake news: ‘Promise ring pa lang po yung isinuot sa akin’

Lie Reposposa ‘nakipaghalikan’ sa ibang afam, inakusahan ng netizens ng panloloko sa British dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending