Engagement ni Ex-PBB housemate Lie Reposposa sa kanyang British BF fake news: 'Promise ring pa lang po yung isinuot sa akin' | Bandera

Engagement ni Ex-PBB housemate Lie Reposposa sa kanyang British BF fake news: ‘Promise ring pa lang po yung isinuot sa akin’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 07:40 AM

Engagement ni Ex-PBB housemate Lie Reposposa sa kanyang British BF fake news: 'Promise ring pa lang po yung isinuot sa akin'

Paul Joshua Marsden at Lie Reposposa

FAKE news ang kumalat na balitang engaged at malapit nang ikasal ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Lie Reposposa sa kanyang British boyfriend na si Paul Joshua Marsden.

Nilinaw ng Kapamilya character actress na hindi engagement ring ang ibinigay sa kanya ng kanyang dyowang afam kundi isang promise ring na nagpapatunay ng totoo at panghabanghuhay na pagmamahal nila sa isa’t isa.

“‘Yung nangyari po kasi roon parang nag-assure siya sa akin na ‘I want you to be my future wife,’ ganu’n. Parang ‘okay lang ba sa iyo?’ ‘Yes of course.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lie (@liereposposaofc)


“Tapos inilagay niya na ‘yung singsing. Tapos pag-post ko ay na-misinterpret ng mga tao, kaya dinilete ko po ‘yung post. Kasi promise ring,” ang paglilinaw ni Lie sa episode ng “Magandang Buhay” kahapon, April 26.

Dito, inamin din ng singer-comedienne na na-meet niya ang kanyang dyowa sa Instagram. Tamad na tamad daw siya nu’ng araw na yun kaya pindot lang siya nang pindot sa kanyang cellphone hanggang sa maisipan niyang i-search sa IG ang pangalang “Paul.”

Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate ipinahiya ng teacher nang hindi makapagpasa ng portfolio; tinawag pang ‘feeling artista’

“Pagka-search ko nakita ko ang picture niya, so kinlick ko. Timing nu’n mayroon siyang story kaya hinart ko parang my first move.

“Tapos sabi niya sa akin nakita raw niya profile ko, maganda raw kaya pinindot niya rin daw. ‘Di ko siya finallow, kaya siya nag-follow sa akin tapos hinart niya lahat ng mga post ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lie (@liereposposaofc)


“Tapos nag-(IG) story din ako. Tapos chinat niya ako ‘you’re so beautiful.’ Eh di finallow back ko. Tapos doon na kami mag-start ng conversation. Ang gaan niya lang kausap. Parang boy version ko siya,” ang kinikilig na chika pa ng dalaga.

Makalipas ang dalawang buwan, nagtungo sa Pilipinas si Joshua hanggang sa magkita na sila nang personal makalipas ang ilang buwan.

“Sabi niya pupunta raw siya sa Pilipinas para sa akin lang. Tapos bumili siya ng ticket. Nagkita kami. Grabe, pogi na siya sa picture pero sa personal sobrang pogi. Ang flawless,” ang chika pa ni Lie.

Sa pamamagitan ng isang video message, ibinandera ni Joshua ang kanyang pagmamahal kay Lie na ikinakilig nang bonggang-bongga ng mga hosts ng “Magandang Buhay” na sina Regine Velasquez, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Matatandaang unang nakilala si Lie noong 2019 nang mag-join siya sa “PBB” kung saan itinanghal siyang 6th Placer. Naging certified singer din siya matapos i-release ang kanyang single na “Sana Sana”.

Naging contestant din siya sa “Tawag Ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”

Lie Reposposa ibinandera ang dyowang foreigner: You’re my sun and moon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending