Regine tanggap na: May mga darating na mas mabango sa 'yo

Regine tanggap na: May ibang mga darating na mas mabango sa ‘yo

Ervin Santiago - February 02, 2025 - 06:00 AM

Regine tanggap na: May ibang mga darating na mas mabango sa 'yo

Regine Velasquez

“I’M just very grateful that I’m still here,” ang nararamdaman ngayon ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid about her showbiz career.

Tanggap na tanggap na ng OPM icon ang katotohanan na hindi na niya panahon ngayon, at napakarami nang mga artist na talaga namang napakagagaling at tunay na talentado.

Aminado rin ang tinaguriang gay icon na nag-iba na ang timbre ng boses niya kung ikukumpara noong dalaga pa siya at hindi pa nabubuntis at nagkaanak.

“Nandoon na ako sa punto na I’m accepting how I sound now. Before kasi, nireresist ko pa, pero ngayon nandoon na ako how accepting things,” ang pahayag ni Ate Regs Regine sa interview sa kanya ni Ogie Diaz.

“I don’t really mind that anymore. I don’t sound the same anymore but I’ve grown to love how I sound now kasi ito na iyong pino-produce ko now.

 Baka Bet Mo: Karylle nag-leave muna sa ‘Showtime’ bilang paghahanda sa musical play na ‘The Sound of Music’

“Bagamat iba siya 20 years before, but because I have so much experience pati passion ko sa pagkanta, mayroon namang in-improve pagdating doon,” dagdag pa niyang paliwanag.

Kung papansinin daw, sabi ng mister ni Regine na si Ogie Alcasid, mas nagkaroon daw ng kaluluwa ang pagkanta niya ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


“Sabi ng asawa ko sa akin, someone when I sing parang somehow more soulful. I really sing differently now than before.

“Whatever song I have to sing, iba na talaga. Bukod sa iba na iyong boses, dahil sa marami akong naranasan sa buhay, ibang-iba na talaga and I’m happy about that,” saad ng Songbird.

Aniya, wala na siyang mahihiling pa at ine-enjoy na lang niya kung anong blessing ang dumating sa kanyang personal na buhay at career.

“Ganoon yung buhay eh, plus it only hurt you if you don’t accept the reality of showbizness. Lagi kong iniisip, like you said, na naging mabango ka.

“Na-experience ko na iyon and ngayon i-enjoy ko na lang kung ano pa iyong nandiyan. I’m just very grateful that I’m still here,” sey ni Ate Regs.

“More than anything else, I’m just grateful na nandito pa ako, may raket pa naman ako, may nakikinig pa sa akin, may nanonood pa ng concert, may concert pa nga ako. Nothing for me to complain about.

“In-accept ko na lang na hindi na time. We are all given specific time na dito ka mabango but later on medyo mayroon nang ibang darating na mas mabango sa iyo pero mabango ka pa rin. Okay na iyon. Happy na ako,” lahad pa niya.

Pero knows n’yo bang naiisip din daw nila ni Ogie ang tungkol sa pagre-retire, “Meron din akong ganoong thinking but I figured, I can still sing, eh.

“Nandiyan pa naman siya kumbaga I might sound different from before, obviously kasi alangan naman I still sound in my 20s but I still have this gift and I’m supposed to share it.

“Kaming mag-asawa, naiisip na rin namin kung kailangan kami slowly magpapahinga na pero kasi noong nanganak ako nagpahinga na ako.

“I had that 6 years na break and then when I moved back sa ABS, parang gusto kong kumanta nang kumanta,” chika ni Ate Regs kay Mama Ogs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, handang-handa na si Regine sa kanyang “RESET” Valentine concert series na magaganap na sa February 14 and 15 at sa February 21 at 22 sa Samsung Performing Arts Theater, Makati City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending