PBB housemate Lie umaming crush si Fumiya; Big Brother may paalala | Bandera

PBB housemate Lie umaming crush si Fumiya; Big Brother may paalala

|July 13,2019
facebook
share this

PBB housemate Lie umaming crush si Fumiya; Big Brother may paalala

- July 13, 2019 - 12:58 AM


TUWANG-TUWA ang mga Kapamilya viewers sa namumuong “loveteam” sa pagitan nina Pinoy Big Brother Otso housemates Lie Reposposa at Fumiya Sankai.

Ito’y matapos ngang aminin ni Lie na may crush siya sa Japanese na si Fumiya. Dahil dito, maraming netizens ang naaliw sa dalawa at nagsabing bagay na bagay silang maging magka-loveteam.

Sa nakaraang episode ng PBB Otso sa ABS-CBN Primetime Bida, inamin nga ni Lie ang kanyang feelings kay Fumiya sa isa pa nilang kapwa housemate na si Yen Quirante.

Sa nasabing episode, ipinakita ang eksena kung saan nilapitan ni Lie si Fumiya sa garden ng PBB house para mas lalo pa itong makilala. Nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang mga naging experience sa Bahay ni Kuya.

Mukhang natutuwa rin ang tinaguriang “spiritual brother” ni Fumiya na si Yamyam Gucong sa namumuong special friendship sa pa-gitan ng dalawang komedyanteng housemates. Komento nga ng ilang PBB fans, siguradong papatok sa madlang pipol kapag pinagsama-sama sa isang proyekto sina Lie, Fumiya at Yamyam.

Bago matapos ang nasabing episode, kinausap ni Big Brother si Lie at binigyan ito ng advice. Sabi ni Kuya, wala namang masama kung mas kilalanin pa nila ni Fumiya ang ugali ng isa’t isa at maging very close sa kanyang Bahay.

“Okay lang naman magka-crush, basta friends lang,” paalala ni Big Brother. Um-agree naman si Lie kay Kuya.

Samantala, patuloy na tutukan ang mas matitinding challenge na ibibigay ni Big Brother sa pagbabalik sa bahay ng Big 4 ng bawa’t batch para maglaban-laban sa titulong PBB Otso Ultimate Big Winner.

Isa-isa nang pinababalik sa PBB house ang Big Four sa batch 1, 2 and 3 para makasama ang apat na natira sa huling batch – sina Kiara Takashi, Argel Saycon, Akie Poblete at Wealand Ferrer. Napapanood pa rin ang PBB Otso pagkatapos ng Sino Ang May Sala? sa Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending