Jeron Teng ikinasal na sa kanyang partner na si Jeanine Tsoi | Bandera

Jeron Teng ikinasal na sa kanyang partner na si Jeanine Tsoi

Ervin Santiago |October 17,2023
facebook
share this

Jeron Teng ikinasal na sa kanyang partner na si Jeanine Tsoi

Ervin Santiago - October 17, 2023 - 07:26 AM

Jeron Teng ikinasal na sa kanyang partner na si Jeanine Tsoi

Jeanine Tsoi at Jeron Teng

IKINASAL na ang PBA player na si Jeron Teng sa kanyang partner na si Jeanine Tsoi nitong nagdaang Linggo, October 15.

Naganap ang kanilang wedding sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila, na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya, mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Parehong nag-post sina Jeron at Jeanine sa kanilang respective Instagram Stories, ng mga litrato na kuha sa naganap na kasalan.

Baka Bet Mo: James Yap certified vlogger na rin; na-wow mali agad sa unang vlog

Sa isang photo, makikita ang bagong-kasal na todo ang nginit at nakasakay sa isang Rolls-Royce, nahabang ipinakikita sa madlang pipol ang suot-suot nilang wedding ring.

“Just got married (ring emoji),” ang nakasulat sa IG post ni Jeron.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeron Teng (@jeronalvinteng)


Ni-repost naman ito ni Jeanine sa kanyang Instagram Story na umani rin ng sandamakmak na likes, comments at congratulatory message.

Ibinahagi rin ng mag-asawa sa kanilang social media accounts ang mga video at litrato na ipinost ng kanilang mga bisita na dumalo sa kasal.

Bago ang church wedding nina Jeron at Jeanine, naganap muna ang tinatawag nilang Ting Hun celebration, isang Chinese tradition kung saan ang ikakasal ay nagdaraos ng engagement ceremony.

Matatandaang noong March 22, 2022 nang ibandera nina Jeron at Jeanine ang kanilang engagement matapos ang pitong taon nilang relasyon bilang boyfriend-girlfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unang nagkakilala ang mag-asawa sa De La Salle University (DLSU). Varsity player noon sa DLSU si Jeron habang courtside reporter naman sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) si Jeanine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending