Transwoman na ka-meeting Ogie Diaz nagalit sa waiter nang tawaging ‘Sir’
SAKTUNG-SAKTO ang ipinost ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa Facebook ngayong simula na ng selebrasyon ng Pride Month.
In fairness, timely nga ang Facebook status ni Mama Ogs tungkol sa isyu ng pagtawag ng “Sir” sa isang transgender woman sa mga restaurant at iba pang public establishments.
Kuwento ng online host, may nakasama siyang transwoman na naimbiyerna sa isang waiter nang i-address siyang “Sir” nang kumain sila sa isang resto.
“May ka-meeting ako. In-address siyang ‘Here’s your order, sir. Enjoy your lunch, sir!’ Sinagot ng ka-meeting ko ang server ng, “Huy! Hindi ako sir. Ma’am ako. Ma’am! Intiendes?!”
Baka Bet Mo: Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’
“’Ahm, sorry po, ma’am. Sorry po,’” ang simulang kuwento ni Ogie.
Patuloy pa niya, ‘Sabi ko sa kausap ko, ‘You can say it in a nice way, mare. Kahit ang mga waiters, iniisip niyan, baka ma-offend ka kung ia-address kang ‘ma’am,’ kasi baka ayaw mo. Nagso-sorry naman sila, di ba?’
View this post on Instagram
“’Nakakainsulto kasi, Mama Ogs. Babaeng-babae ang ayos ko, tatawagin akong sir?’
“Di naman kayo magkapareho ng iniisip ng waiter. Wag mong asahan sa lahat ng tao ang ugaling gusto mo kasi lagi ka lang makikipag-away at makikipagdebate.
“Intindihin mo kung saan sila nanggagaling,” ang sey ni Mama Ogs sa kanyang kausap.
Sabi pa raw ng talent manager sa kasama niya, “Obviously, gusto ka niyang irespeto kaya tinawag kang sir, pero hindi ka naman niya binastos no’n. Naninimbang kasi yung waiter.
“Gusto mo ba, tawagin kang, ‘Bakla, eto na order mo!’? Parang mas masakit yon sa tenga para sa akin lalo na’t di naman kayo close. Kaya wag ka nang mainsulto, nag-sorry naman na yung tao,” payo ni Ogie.
Pero nangarwiran pa rin daw ang kasama niya, “Common sense naman, Mama Ogs. Babae ang ayos ko, sir talaga?”
“Hayaan mo na. Smile ka na lang. Ilang ganyang scenario pa ang mae-encounter mo at ikaka-highblood mo kasi laging big deal sa yo?
“Magpap*ke ka na lang kaya, tapos pag sir pa din ang tawag sa yo, saka mo ipakita ang keps mo sa kanya. Hahahaha!
“Hahaha! Sira ulo ka, Mama Ogs!”
“Saka eto lang, ha? Imadyinin mo pag di ka inurungan ng waiter sa debate, baka hanapan ka ng birth certificate niyan para manalo lang siya sa argumento na lalaki kang isinilang at hindi talaga ‘Rada’ ang pangalan mo, kundi Rudy,” ang nakakaloka pang hirit ni Mama Ogs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.