Diego, Alexis OK na uli, happy sa binyag at b-day ni Baby Hailey

Diego, Alexis OK na uli, happy sa binyag at b-day ni Baby Hailey

Ervin Santiago - May 30, 2024 - 07:16 AM

Diego, Alexis OK na uli, happy sa binyag at b-day ni Baby Hailey

Alexis Suapengco, Diego Loyzaga, Cesar Montano at Baby Hailey

MUKHANG maayos na nga ang relasyon ni Diego Loyzaga sa nanay ng kanyang anak na si Hailey Paige na nagdiwang ng kanyang first birthday kamakailan.

Actually, double celebration pa nga ang naganap dahil bukod sa unang kaarawan ni Baby Hailey ay isinabay na rin nina Diego at Alexis Suapengco ang binyag ng bagets.

Sa kani-kanilang social media account, nag-share ang mommy at daddy ni Baby Hailey ng mga naging kaganapan sa birthday party at binyag kung saan nakasama rin nila ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Baka Bet Mo: Diego may gustong patunayan kay Cesar; nagpayo sa mga binatang ama

Sa isang video na napanood namin na kuha sa party mapapanood si Diego na nagkukuwento tungkol sa pagiging hands-on tatay pati na rin ang mga pa-throwback nila noong nagle-labor si Alexis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lex (@alexissuapengco)


Natatawang kuwento ng aktor sa kanilang mga bisita, “7 pm on May 22nd, and yes ang tagal ng labor niya, sobrang tagal ng labor niya. It was so difficult—so difficult I fell asleep.”

Base sa mga litrato sa social media, present din sa party ni Baby Hailey ang mga naging leading lady ni Diego sa pelikula kabilang na sina Cristine Reyes, Julia Barretto at Coleen Garcia.

Naroon din siyempre ang tatay ni Diego at lolo ni Hailey na si Cesar Montano na kitang-kita ang sobrang kaligayahan habang karga-karga ang kanyang apo.

Walang nababanggit si Diego kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Alexis ngunit base sa mga nakita naming pictures, mukhang okay naman ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binengga nang bongga si Diego Loyzaga: Tigas ng mukha mo bro

Posibleng nagkabalikan ang dating magdyowa at pwede rin namang maayos ang naging co-parenting agreement nila alang-alang sa kanilang anak.

In fairness, talagang pinaghandaan at pinag-ipunan ni Diego ang double celebration ni Hailey dahil todo kayo daw ang ginawa niya sa anak.

“Not that I can’t afford it, but, you know, money out is still money out. Pandagdag lang because hindi ko akalain na ang first birthday niya ay gagastos din pala ako na parang higit sa isang debut na pala!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


“I am doing everything in my power to be able to… I’ve said so much, e. I really promised so much. I want to be able to provide.

“And even though sinasabi ko na hindi naman niya maalaala yung first birthday niya, ang laging sinasabi ng nanay ng baby ko ay, ‘Pero tayo, maaalaala natin ito.’ Wala akong takas!” ang pahayag ni Diego sa presscon ng pelikula nila ni Coleen Garcia na “Isang Gabi” last month.

“In the first week of May, I’m doing five back-to-back rakets just to afford her birthday party.

“If you ask me how inspired I am, this is our first choice of career, di ba? Kami naman, showbiz. But I am starting to think about branching out already for… I’m 29 next month.

“So, nagsimula na akong magnegosyo, which I never thought I would enter before and it doesn’t end. It keeps on going. Ang dami ko nang ibang mga ginagawa na sideline na trabaho,” pahayag ni Diego Loyzaga.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersya sina Diego at Alexis nang ibandera ng huli sa publiko ang problema nila ng aktor.

Sinabi ni Alexis na pinalayas daw siya ni Diego at ang kanilang anak sa bahay para makapunta raw doon ang isang babaeng hindi niya pinangalanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binalaan din daw siya ng aktor na ititigil ang sustento sa anak nila kapag hindi niya binura ang kanyang social media post. Pero mukhang nagkaayos na nga sila base sa mga naging ganap sa birthday at binyag ni Hailey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending