Lolit kinabahan sa naging dahilan ng pagpanaw ni Leo Dominguez

Lolit kinabahan nang malaman ang dahilan ng pagpanaw ni Leo Dominguez

Ervin Santiago - May 27, 2024 - 10:16 AM

Lolit kinabahan nang malaman ang dahilan ng pagpanaw ni Leo Dominguez

Lolit Solis, Leo Dominguez at Lovi Poe

HINDI pa rin makapaniwala ang dating TV host na si Lolit Solis sa pagkamatay ng kanyang kaibigan at kapwa talent manager na si Leo Dominguez.

Ayon kay Manay Lolit, nagulat daw siya nang malaman ang naging dahilan ng pagpanaw ng manager nina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Paulo Avelino, Janice Gutierrez at marami pang ibang celebrities.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Manay Lolit ang litrato nina Ogie at Leo kalakip ang kanyang mensahe sa yumaong talent manager.

Baka Bet Mo: Leo Martinez nagsalita na tungkol sa nag-iisang anak nila ni Cherie Gil

“Salve hindi ako maka get over sa pagkamatay ng manager ni Lovi Poe na si Leo Dominguez.

“Hindi ko ma comprehend iyon cause of death na nasabi sa akin,” ang simulang pagbabahagi ng veteran entertainment columnist.

Patuloy pa niya, “Isang aral nga siguro na mag ingat sa pagkain ng mga bagay na binibigay sa atin, o iyon pag natikman natin na iba ang lasa huwag na natin ituloy ang pagkain.

“Grabe talaga dahil hindi mo minsan aakalain iyang mga complications sa mga bagay na kinain natin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Aral ito sa isang PG na tulad ko kaya nga pangako ingat na ako sa mga food na take ko. Ako pa naman kahit ano kinakain ko,” dagdag pa niya.

Inamin ni Manay Lolit na inatake siya ng nerbiyos nang malaman ang posibleng dahilan ng biglang pagkawala ng kanyang colleague sa showbiz industry.

“Naku, medyo kinabahan ako talaga dahil sabi sa cake na kinain nag start ang naging problema ni Leo. Very innocent food pa naman ang cake.

Baka Bet Mo: Denise Esteban game na game sa pagpapakita ng katawan: Wala namang masama sa paghuhubad

“Now number 1 suspect na siya sa food poisoning. Grabe. Basta ingat Salve at Gorgy, pigilan nyo ako sa katakawan ko, please,” ang mensahe pa ni Manay Lolit Solis.

Last May 24, naglabas ng official statement ang naulilang pamilya ng yumaong talent manager, “It is with deep sorrow that we announce the peaceful passing of Leo Vinluan Dominguez, who has left us to join our Creator.

“True to his gentle and quiet nature, Leo departed serenely.

“In lieu of flowers, we kindly request your prayers for Leo’s eternal peace.”

Kahapon ginanap ang burol sa labi ni Leo, sa St. Alphonsus Mary de Liguori, Magallanes, Makati City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa sa official statement, ang LVD Management Corp. ay magpapatuloy sa operasyon na pamumunuan ng business partners ni Leo na sina Rey Lañada at Freddie Blasco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending