Ogie Alcasid wish mag-reunion sa ‘Showtime’ ang mga host ng ‘SOP’
WISH ng Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid na magkaroon ng reunion ang “SOP” hosts sa inaabangang pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA 7.
Simula sa April 6, bukod sa GTV, mapapanood na rin ang “It’s Showtime” sa GMA Network kaya naman lahat ng taong involved sa programa ay matatawag na ring certified Kapuso.
Tulad na lang nina Ogie at Karylle na makalipas ang ilang taon ay nagbabalik nga bilang mga Kapuso matapos ang contract signing ng ABS-CBN at GMA para sa pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa Kapuso Network.
Emosyonal sina Ogie at Karylle nang makapanayam sa naturang event dahil nga sa napakainit na pag-welcome sa kanila ng mga bossing ng GMA.
“Naluluha ako because of joy. Dito ako nanggaling noon, tapos ito at nakabalik ako. It’s an emotional journey. Sino ba ang makakapagsabi? Only God,” ang pahayag ni Ogie.
Ayon pa sa singer-TV host, umaasa siya na muling makasama ang mga kasamahan niya noon sa “SOP,” ang dating musical show ng Kapuso Network tuwing Linggo.
“Maganda, magsama-sama kami for a great production number, we can relieve the old SOP days, that would be nice.
View this post on Instagram
“Maybe nandiyan sina Jolina (Magdangal), sina Janno (Gibbs), Regine (Velasquez), Jaya. Maybe gagawin ko ‘yun sa birthday ko,” excited na sey pa ni Ogie.
Para naman kay Karylle, isang napakalaking blessing ang pagbabalik niya sa GMA na naging tahanan din niya ng ilang taon bago lumipat sa ABS-CBN.
“For me personally it’s almost like a homecoming also because I was welcomed back by the Kapuso bosses and I felt talagang very, very special and very, very welcome,” sabi ng aktres at TV host.
Baka Bet Mo: Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?
Sa panayam naman ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa isa pang host ng “Showtime” na si Vhong Navarro, sinabi nitong grabe ang kaligayahang nararamdaman nilang lahat sa show – talagang feeling grateful and thankful.
“Tito Boy talagang pinaghandaan po namin ang araw na ito dahil napaka-espesyal po ng papasukan naming bahay – bagong bahay,” sey ng komedyante.
Patuloy pa niya, “Halo-halo ang emosyon ko Tito Boy, kanina naging iyakin kami dahil sa nararamdaman naming saya at ang hirap paniwalaan na nangyayari ngayon ito na ang It’s Showtime from GTV e papasok na kami sa GMA.
“Siyempre dalawa na ang (channel) na paglalabasan namin ngayon so, doble ang gagawin naming pagpapasaya sa madlang pipol at madlang Kapuso,” aniya pa.
Sa tanong kung sinu-sino ang papasok na Kapuso stars sa “It’s Showtime”, “’Yung papasok po na mga Kapuso stars, parang inaayos na po kung daily po, kung iba-iba or magiging regular po. So, inaayos lang po Tito Boy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.