Vice Ganda itinuturing na malaking achievement ang guesting sa mga GMA show noon na SIS at SOP: 'Ipinagmamalaki ko lagi yun!' | Bandera

Vice Ganda itinuturing na malaking achievement ang guesting sa mga GMA show noon na SIS at SOP: ‘Ipinagmamalaki ko lagi yun!’

Ervin Santiago |July 05,2023
facebook
share this

Vice Ganda itinuturing na malaking achievement ang guesting sa mga GMA show noon na SIS at SOP: ‘Ipinagmamalaki ko lagi yun!’

Ervin Santiago - July 05, 2023 - 07:15 AM

Vice Ganda itinuturing na malaking achievement ang guesting sa mga GMA show noon na SIS at SOP: 'Ipinagmamalaki ko lagi yun!'

Vice Ganda

HINDING-HINDI makakalimutan ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang dalawang programa noon ng GMA 7.

Inalala ng TV host-comedian ang mga naging guesting niya sa ilang Kapuso show noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz.

Ito’y matapos nga ang historic collaboration ng ABS-CBN at GMA 7 kung saan nagkapirmahan nga ng kontrata ang dalawang network upang mapanood din sa GTV channel ang Kapamilya noontime program na “It’s Showtime“.

Ayon kay Vice, napakaraming bumalik sa kanyang alaala nang muli siyang nakabalik sa GMA Station para sa bonggang opening number ng “Showtime” last Saturday, July 1.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Itinuturing daw niyang isa sa mga biggest achievements sa kanyang career noon ang paglabas sa ilang GMA shows, base na rin sa panayam sa kanya ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

At ang pagbabalik daw niya sa GMA ay isang napakabonggang bahagi ng career niya pati na ng iba pa niyang mga kasamahan sa “Showtime.”

“Sobrang positibo, sobrang punung-puno ako ng excitement. Ang ganda ng…wala ako masyadong naramdamang kaba masayang- masaya lang talaga ako,” pahayag ni Vice.

Baka Bet Mo: Chito super proud sa pagtatapos ni Neri sa college: Ang galing lang…nagsisilbi ka nang inspirasyon ngayon sa mga kababaihan

Pag-alala ng komedyante, nag-guest siya noon sa mga Kapuso shows na “SIS” nina Gelli de Belen, Carmina Villarroel at Janice de Belen, “Comedy Central Market”, at noontime variety show na “SOP.”

Napakalaking achievement na raw nito para sa kanya lalo’t nagsisimula pa lamang siya noon pero nagtiwala agad sa kanya ang GMA.

“Kasi siyempre ‘di ba, kapag nakikita ka sa mga stations katulad ng GMA, ‘di ba, parang big deal ‘yon coming from comedy bars, parang ‘yon na ‘yong step namin para maka-mainstream kami e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Malaking achievement sa akin ‘yon mga panahong nandidito na ako, na lahat ang daming nagdi-dream nu’n,” aniya pa.

Sa tanong kung ano ang mga hindi niya malilimutang eksena sa pag-apir sa GMA, nabanggit nga niya ang “SIS” at “SOP.”

“Nu’ng nagsi-SIS ako ang saya nu’n kasi masaya silang kasama. Ang babait nina Janice, ni Carmina at saka ni Gelli at saka ‘yung staff doon mababait.

“Pinaka-favorite ko do’n kapag nagge-guest ako sa SOP. Kasi most of the time kapag nasa SOP ako si Regine (Velasquez) ang kasama ko sa number. E alam mo naman patron saint ko si Regine,” aniya.

Dagdag pa ni Vice,.“Lalo na nu’ng birthday special niya kumanta kami ni Anton (Diva) doon sa birthday prod number niya. So ‘yun ‘yong mga isa sa mga hindi ko makakalimutan tsaka pinagmamalaki ko lagi ‘yon.”

Vice Ganda: Makakalimutan namin mga password namin, pero hindi ang pangalang Sarah G!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donny Pangilinan proud na proud kay Maricel Laxa at sa una nilang pelikula: ‘She’s such a gifted person’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending