Zeinab Harake sasabak na sa mundo ng showbiz

Zeinab Harake sasabak na sa mundo ng showbiz, chinika ang paghahanda sa pag-aartista

Pauline del Rosario |June 24,2023
facebook
share this

Zeinab Harake sasabak na sa mundo ng showbiz, chinika ang paghahanda sa pag-aartista

Pauline del Rosario - June 24, 2023 - 11:37 AM

Zeinab Harake sasabak na sa mundo ng showbiz, chinika ang paghahanda sa pag-aartista

PHOTO: Instagram/@zeinab_harake

DESIDIDO na talaga ang social media influencer na si Zeinab Harake na pasukin ang mundo ng showbiz industry matapos ang apat na taong pagvo-vlog.

Kamakailan lang ay nakachikahan ng vlogger ang King of Talk na si Boy Abunda at naikuwento niya ang mga paghahanda na ginagawa niya upang maging artista.

Isa na nga riyan ay ‘yung pagsabak niya sa acting workshops ni Ana Feleo.

Kwento ni Zeinab, “Sa una, nao-overwhelm ako kasi ako ‘yung klase ng tao na parang makapal lang ang mukha kong tingnan, [pero] madaldal lang ako.”

“Mahina po ‘yung loob ko lalo na sa mga pinagdaanan ko before, may mga trauma ako. So sila po ‘yung mga tao na nagpapakita na may talent ka, hindi mo lang nakikita or namumulat pa,” patuloy niya.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake: Yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman

Nabanggit din ng socmed star na ang talent agency na Aguila Entertainment ang nagma-manage ng kanyang karera sa showbiz.

“Parang sa apat na taon na vlogging ako, independent influencer, dadating po ‘yung time na mapapagod ka, kakailanganin mo ng tulong,” sambit ni Zeinab.

Dagdap niya, “And sa apat na taon na po na ‘yun, parang naiipit lang ako na naiipit lalo sa madilim na sitwasyon, so kailangan ko ng mga taong gagabay sakin ng tama.”

Ayon pa sa vlogger, malaki ang naitulong ng kanyang pag-aartista sa kanyang buhay.

Saad niya, “Natutuwa ako kasi nagiging maayos akong tao talaga. Nakakatulong siya.”

“Like, hindi lang sa career ko kundi pati ‘yung ugali kung paano ka makikisama, kung paano ka maniniwala sa sarili mo, kung paano mo mamahalin ang gagawin mo,” paliwanag niya.

Sa huli, tiniyak ni Zeinab na gagawin niya ang kanyang makakaya sakaling mabigyan ng proyekto.

“Ang gusto ko lang, ma-portray ng maayos ‘yung ibabato sakin dahil ayoko pong makaabala, ayoko maging sakit sa ulo kahit kanino,” sey niya.

Aniya pa, “Gagawin ko po kung ano ang kaya ko at gagawin ko talaga ‘yung pinaka best ko [para walang mapapahiya.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending