Rayver happy na nakasama sina Vhong, Jhong sa It's Showtime

Rayver super happy na nakasama sina Vhong, Jhong sa opening number ng ‘It’s Showtime’: ‘Grabe! Na-miss ko kayong makasayaw!’

Reggee Bonoan |July 02,2023
facebook
share this

Rayver super happy na nakasama sina Vhong, Jhong sa opening number ng ‘It’s Showtime’: ‘Grabe! Na-miss ko kayong makasayaw!’

Reggee Bonoan - July 02, 2023 - 11:14 AM

Rayver Cruz super happy na nakasama sina Vhong Navarro, Jhong Hilario sa opening number ng 'It's Showtime': 'Grabe! Na-miss ko kayong makasayaw!'

PHOTO: Screengrab from YouTube/ABS-CBN Entertainment

Ang saya-saya ng pakiramdam ng TV host-actor na si Rayver Cruz nang mapasama siya sa opening number ng noontime show na “It’s Showtime” na umere na sa GTV Channel ng GMA kahapon, Hulyo 1.

Kasama kasi ni Rayver ang mga hari ng dance floor at idolo ng nasabing programa na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario with brother Rodjun Cruz.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na pagkalipas ng limang taon mula nang lisanin ni Rayver ang ABS-CBN at lumipat sa GMA 7 noong 2018 ay muli siyang sasayaw sa Kapamilya show na “It’s Showtime.”

Kaya kitang-kita naman sa bawa’t hataw niya sa opening number ay iba ang pakiramdam niya.

Baka Bet Mo: Rodjun botong-boto kay Julie Anne para kay Rayver, sana pang-forever na: ‘Grabe, naiyak talaga ako sa kanila!’

Pinost ng binata ang buong video ng production number nilang apat at mga larawan with this caption, “So happy to be sharing the stage again with our idols and mga kuya!”

Ani pa niya, “@jhonghilario @vhongx44 solid!! Thank you @itsshowtimena! #GnaGsaShowtime”

Kaagad namang sinagot ni @vhongx44 ang post ni Rayver, “Grabe! Na miss ko kayong makasayaw Kuys @rayvercruz and Kuys @rodjuncruz Maraming salamat sa inyo.”

Reply naman ni Rayver, “@vhongx44 sobrang thank you kuya vhong ang saya miss ko kayo kuys lupit! Nxt time ulit pls hahaha Godbless you always kuys!!.”

Sabi rin ni Rodjun,”@vhongx44 Namiss namin kayo Sobra Kuya Vhong. Karangalan na makasama kayo Ulit sa Stage. Saya super! Idols Labyu! Thank you.”

Komento naman ni @jhonghilario, “Great to see and dance with you again Bros Raver and Rodjun! Thank you sa inyo!”

Labis ding nagpapasalamat si Rayver kay Jhong at sinabing, “@jhonghilario solid maraming salamat kuya jhong! Labyu guys mga idol!”

Gayun din si Rodjun, “@jhonghilario solid Kuya Jhong! Labyu! Sa Uulitin. Saya!”

Nakisali rin ang aktor at bff ni Rayver na si Gerald Anderson at may komento na, “The Kings.”

Tumawa naman si Rayver at sabay sabing, “@andersongeraldjr hahaha brother na miss kita sa hallway the legend mr Anderson!”

Nagpasalamat din si Rodjun, “@andersongeraldjr thank you brother Ge!”

Panay naman daw ang cheering ng kaibigan din ng magjkapatid na si Paolo Valenciano at lahad pa niya, “Men, SI were cheering !!!! Hehehehehehe.”

Komento naman ng isang netizen, “Parang na miss ni Rayver ang studio sa ASAP bumalik ang kanyang king of dance floor nila Maja (Salvador) and Shaina (Magdayao).”

Marami pang celebrities ang natuwa at nag post ng emojis clapping hands sa pagsasama nina Rayver, Rodjun, Jhong at Vhong.

Sana next maging regular na ito every Saturday.

Related Chika:

Vice Ganda wagi sa Asian Academy Creative Awards 2021: Nakakabaliw sa saya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rayver Cruz ayaw makisawsaw sa isyu ni Liza Soberano; Rhea Tan 5 taon nang nakikipag-collab sa Sparkle ng GMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending