Denise Esteban game na game sa pagpapakita ng katawan: Wala namang masama sa paghuhubad Bandera

Denise Esteban game na game sa pagpapakita ng katawan: Wala namang masama sa paghuhubad

Ervin Santiago |May 25,2022
share this

Denise Esteban game na game sa pagpapakita ng katawan: Wala namang masama sa paghuhubad

Ervin Santiago May 25, 2022 - 06:35 AM

Denise Esteban

MAY blessing mula sa kanyang mga magulang ang ginagawang paghuhubad ng bagong Vivamax sexy star na si Denise Esteban sa mga ginagawa niyang pelikula.

Naniniwala ang dalaga na wala siyang nakikitang masama sa pagbubuyangyang ng hubad niyang katawan sa harap ng camera dahil trabaho niya ito kaya dapat niyang panindigan.

Kuwento ni Denise nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media kamakailan sa presscon ng latest movie niyang “Secrets”, una talaga siyang naging singer bago napasabak sa pagiging sexy star.

Dati siyang member ng P-Pop Generation pero ang talagang pangarap niya ay ang maging aktres kaya nang mabigyan ng chance ng Viva Artists Agency ay sinunggaban na niya ito agad.

Ang “Secrets” ang ikatlong pelikula ni Denise sa Viva na unang napanood sa Vivamax original movie na “Kaliwaan” na pinagbidahan nina AJ Raval, Mark Anthony Fernandez at Vince Rillon.

Nakasama rin siya sa “Doblado” kung saan nakasama naman niya sina Mark Anthony Fernandez, Josef Elizalde, Stephanie Raz, Kat Dovey at Gwen Garci.

Kuwento pa ni Denise tungkol sa kanyang singing career, “Bata pa po ako noon kaya hindi pa pwedeng gumanap ng daring roles kaya napunta ako sa pagkanta.”

Ngayon daw ay puwedeng-puwede na siyang magbuyangyang dahil 20 years old na siya at binigyan naman daw ito ng consent ng kanyang parents na naiintindihang trabaho lang ang kanyang ginagawa.

Dito sa “Secrets” makakasama ni Denise sina Janelle Tee, Benz Sangalang at Felix Roco.

Ito ay tungkol sa magkasintahan na nag-aakalang kilala na nila ang isa’t isa kung saan ipakikita ang isang klase ng sexual experimentation at pagnanasa.

Gustong ayusin nina Janine (Janelle Tee) at Christian (Benz Sangalang) ang mga problema nila sa kanilang relasyon.

Kaya naman tumakas muna sila sa siyudad at magpupunta sa isang isolated beach house na pagmamay-ari ng kanilang kaibigan, at inaalagaan ng mag-asawang Rading at Elena.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may isa pang guest sa beach house — si Leo (Felix Roco), ang pamangkin ni Elena na isang engineer sa Middle East at sandaling nagbabakasyon. Bumalik si Leo sa beach house upang makita ulit ang kanyang fuck buddy na si Felina (Denise Esteban), isang waitress sa isang resort.

Sa umpisa pa lang ay hindi na gusto ni Janine si Leo, dahil may kutob ito na delikadong tao si Leo. Tuso at mapaglaro si Leo. Hinihikayat niya ang kahit na sino para sa sarili niyang kaligayahan. Ang hindi nila alam, unti-unti na silang nahuhulog sa patibong ni Leo.

Ito’y sa direksyon ni Jose Javier Reyes at streaming na sa Vivamax simula sa June 10.

Vivamax sexy stars Angela Morena, Denise Esteban umaming nakapanood na ng porn; parehong palaban sa hubaran

Denise Esteban walang keber sa pagpapasilip ng boobs; pangarap maging tulad ni Angel Locsin

Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending