Diego Loyzaga may pa-face reveal sa 1st birthday ni Baby Hailey

Diego Loyzaga may pa-face reveal sa 1st birthday ni Baby Hailey

Ervin Santiago |May 06,2024
facebook
share this

Diego Loyzaga may pa-face reveal sa 1st birthday ni Baby Hailey

Ervin Santiago - May 06, 2024 - 12:10 AM

Diego Loyzaga may pa-face reveal sa 1st birthday ni Baby Hailey

Diego Loyzaga, Maricel Soriano at Baby Hailey

WALA talagang balak ang aktor na si Diego Loyzaga na ibandera sa buong universe ang mukha ng kanyang anak na si Baby Hailey.

In fairness, kahit super busy sa pagtatrabaho ay hands-on dad pa rin si Diego sa pag-aasikaso sa first birthday celebration ng anak.

Kaliwa’t kanan ang promo ni Diego sa latest movie niyang “Isang Gabi” under Viva Films kasama ang leading lady niyang si Coleen Garcia.

Pero sa kabila nga nito, sinisiguro niyang naglalaan pa rin siya ng sapat na panahon para kay Hailey.

Baka Bet Mo: Manilyn Reynes sa ‘loveteam statement’ ni Liza Soberano: You can do it on your own, ipakita mo what you’ve got!

“I would have never thought na her first birthday would cost that much as the debut.

“I’m still trying to wrap my head around kung nakita ko na magkano ang presyo ng lahat. Sabi ko, ‘O teka lang…’” ang pag-amin ni Diego sa panayam ni Gorgy Rula sa DZRH last April 29.

Kasunod nga nito, ibinalita ni Diego na balak nilang magkaroon ng “face reveal” si Hailey sa mismong 1st birthday nito sa darating na May 22.

Actually, magkasunod ang kaarawan nila ng anak ngayong buwan — May 22 si Hailey at sa May 21 naman ang ika-28 kaarawan niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At isa nga sa napagdesisyunan nila ng nanay ng anak ay ipakita na ang mukha ni Hailey pagsapit nito ng one-year-old.

Ayon kay Diego, wala raw talaga silang plano na ipakita ang mukha ng kanilang anak dahil gusto nilang ang bata ang magdesisyon paglaki nito kung nais nitong ipakita ang sarili sa publiko.

“Yung face niya, hindi pa namin pinu-post. Ayoko lang kasi na one day, she’ll be, like, ‘Why did you expose me sa mundo ng showbiz?’ Gusto ko, siya yung pipili. Gusto ko siya yung mag-decide.

“But the thing is, hindi na namin maiwasan, kasi napapansin namin is, you know, yung…wala tayong paparazzi, pero you know, the regular people who take photos nang palihim, and then ipo-post nila.

“We might as well be the one who come out already,” sabi pa ni Diego sa naturang panayam.

Ikinuwento rin niya na noong mag-guest siya sa YouTube channel ni Maricel Soriano, kasama niya si Hailey pero nakiusap siya na huwag munang ipakita ang mukha ng bata.

Baka Bet Mo: Selena Gomez ‘to the rescue’ sa pambu-bully kay Hailey Bieber, nagkaayos na nga ba?

“Actually today, I had interview with Inay, Maricel Soriano. I guested Hailey. Pero sabi ko, ‘Huwag mo muna please ipakita yung face.’

“Let’s wait for her birthday next month. Dun na i-out. I’ll show the world. Hindi na rin kasi maiwasan, e. Kagaya niyan. Kaya magpo-post ng pic ni Hailey. Kasi naunahan din kami mag-post na ito, may baby na ako.

“Siyempre, you know naman na… what do you call it? Yung mga gossip kind of tabloid people here online sa Pinas, inunahan kami.

“So, parang…once in your life ka lang makapagsabi yung parang big news na ibi-break mo sa lahat na, ‘Hey guys, may baby na ako.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If somebody take it from you, ang pangit ng feeling, e. Tinaymingan lang namin. Pero wala kaming dini-deny at all,” esplika pa ni Diego Loyzaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending