Coleen sure na wala nang bisyo si Billy: Healthier than ever!

Coleen sinigurong wala nang bisyo si Billy: He’s healthier than ever!

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Coleen sinigurong wala nang bisyo si Billy: He’s healthier than ever!

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 12:40 AM

Coleen sinigurong wala nang bisyo si Billy: He's healthier than ever!

Coleen Garcia at Billy Crawford

“MORE than okay and healthier than ever!” Yan ang siniguro ng aktres na si Coleen Garcia tungkol sa health condition ni Billy Crawford.

Kahit nagpaliwanag na sa pamamagitan ng social media si Coleen tungkol sa mga kumakalat na chika hinggil sa tunay na estado ng kalusugan ng kanyang asawa, ay tuloy pa rin ang mga Marites sa pang-iintriga.

Nag-ugat ito nang mag-viral ang litrato ni Billy sa socmed na tila payat na payat at mukha raw may dinaramdam.

Baka Bet Mo: Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

“I guess people are so used to seeing us like this, na made-up kami and showbiz mode. Pero kahit noon pa, si Billy talaga may dark circles, and ‘yung hair niya medyo nauubos na,” ang pahayag ni Coleen sa ulat ng ABS-CBN.

“Pero even before, it was never a problem to us. Hindi siya issue para sa amin, hindi namin kinakahiya,” dagdag pa niya.

“He’s more than okay. As in, ‘yun na nga, payat siya kasi wala na siyang mga bisyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang dami kasing nagsasalita, ‘di ba? Pero in his whole life, proud ako sa kanya na never siyang naka…and never even tried mga hard drugs or anything,” depensa pa ng aktres sa kanyang husband.

Baka Bet Mo: Sikat na aktres nahawa sa pagbibisyo ng dating karelasyon kaya pasaway sa trabaho: ‘OK na siya ngayon, hiwalay na sila ng guy’

“We’re putting it out there and honest kami sa inyo. Sana may mga mag-respect din sa mga sinasabi namin, because we wouldn’t lie about something like that sa inyo.

“Billy used to struggle with alcoholism. He quit alcohol, he quit smoking, wala siyang bisyo ngayon, and he’s healthier than ever, paniniguro pa niya.

Dagdag ni Coleen, nakakapagod at nakaka-stress naman daw talaga ang trabaho ni Billy sa France at sa Amerika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang hirap ng ginagawa niya. Every month, he leaves the country to work, and every time he leaves the country, he does several shows,” dagdag pang paglilinaw ni Coleen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending