Suspek sa pumatay sa tiyahin ni Coleen Garcia huli na

Suspek sa pumatay sa tiyahin ni Coleen Garcia huli sa Mandaluyong

Therese Arceo |December 25,2023
facebook
share this

Suspek sa pumatay sa tiyahin ni Coleen Garcia huli sa Mandaluyong

Therese Arceo - December 25, 2023 - 03:36 PM

Suspek sa pumatay sa tiyahin ni Coleen Garcia huli sa Mandaluyong

NAHULI na ng mga pulisya ang umano’y suspek sa pagkamatay ng kapatid ng stepmother ng aktres na si Coleen Garcia na si Canice Minica Seming.

Sa isang isinagawang operasyon sa Mandaluyony City nitong Linggo ng umaga, December 24, nadakip ang lalaki.

Ayon sa Mandaluyong City Police, nahuli ang suspek sa isang construction site sa Brgy. Addition Hills matapos mamukhaan ng mga otoridad ang lalaki base sa napanood ng mga ito sa telebisyon kaugnay sa insidenteng pagpatay.

Matatandaang kamakailan lang nang i-post ni Coleen ang larawan ng suspek para mas mapabilis ang pagkakahuli rito at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang step-aunt noong December 20.

Isasailalim muna sa medical up ang suspek bago ibigay ang kustodiya nito sa Antipolo City Police.

Baka Bet Mo: Coleen Garcia ibinandera ang pumatay sa kapatid ng stepmom niya: We need help…

Nauna nang inihayag ng pulisya na inabangan nila ang suspek matapos malaman na nagtatrabaho sa naturang construction site.

Isasailalim muna sa medical check-up ang suspek bago ipa-custody sa Antipolo City Police.

Ayon rin sa ulat ng ABS-CBN News, umamin na ang suspek sa pagpatay niya sa tiyahin ni Coleen.

“Nadala ng lasing ko. Dala ng lasing… Hinahanap ko asawa ko doon, eh wala. Bago pa dumatig ‘yung biktima nandoon na po ako sa loob ng bahay kasi bukas po ‘yung side po nila sa kabilang daanan,” amin ng suspek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakisuyo pa raw siya sa tiyahin ni Coleen na i-chat ito.

At nang sabihan nga daw siya na umalis sa bahay ay kumuha ito ng panaksak at sinaksak ang biktima.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending