Billy ibinandera ang pagiging ‘fresh’ sa latest selfie: ‘Kalma lang’
MATAPOS maka-recover sa jet lag, tila sinagot na ni Billy Crawford ang viral video na kapansin-pansin ang kanyang pamamayat.
Maraming netizens kasi ang nag-alala at nangamba sa kanyang kalusugan kamakailan lang.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ng TV host-singer ang kanyang latest selfie na mukhang fresh na fresh.
“Me after getting over jet lag,” sey ni Billy sa post.
Wika pa niya, “Kalma, Madlang People.”
Baka Bet Mo: Big bike ni Billy Crawford na kasing mahal ng house & lot ibinebenta
Magugunitang ilang linggo ring naging malayo sa pamilya si Billy dahil sa pinagkakaabalahan niyang mga proyekto sa France.
Kakauwi lang niya dito sa Pilipinas noong nakaraang Linggo.
Sa hiwalay na IG Story, ibinandera naman ng singer ang kanyang “appreciation” para sa misis na si Coleen Garcia na dinipensahan siya mula sa bashers.
“Thank you for always standing by my side, supporting me through every challenge, and filling our home with love and warmth,” saad sa shinare niyang post.
Wika pa, “Your unwavering support means everything to me.”
Kung matatandaan, hindi napigilan ni Coleen ang maglabas ng kanyang saloobin nang dahil sa viral video.
“Actually, I don’t know if you’ve ever seen him before without makeup. But long before we even started dating, he’s always had dark under eye circles and major hair loss na,” pahayag niya sa isang IG Story.
Iginiit rin niya na hindi lang napapansin ng netizens ang totoong itsura ni Billy dahil sa hair and make up sa tuwing nakikita ito ng madla.
Tila inihayag din niya ang pagiging unrealistic ng marami pagdating sa mga artista na dapat ay laging perpekto.
“Syempre people just see the glammed-up version of us lang, which isn’t really how we look on a daily basis,” sey ng aktres.
Sa huli, siniguro ni Coleen sa madlang pipol na maayos ang kalagayan at kalusugan ni Billy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.