Heart sa ‘wala kasing anak’ comment: Napipikon ako sa’yo ah!

Heart Evangelista sa ‘wala kasing anak’ comment: Napipikon ako sa’yo ah!

Pauline del Rosario - May 18, 2024 - 09:42 AM

Heart Evangelista sa ‘wala kasing anak’ comment: Napipikon ako sa’yo ah!

PHOTO: Instagram/@iamhearte

HINDI na nakapagpigil at pinatulan na ng fashion icon na si Heart Evangelista ang isang epal na basher na tila under the belt na ang naging komento.

Ito ay ilang araw matapos niyang ibalita na nakunan siya sa ikaapat sana niyang baby.

Sabi kasi ng hater, kaya maganda si Heart ay dahil wala itong anak.

“Parang ang bata ni Heart,” saad ng isang netizen na nagkomento sa video ng fashion icon na makikitang kasama ang TV host-actress na si Anne Curtis.

Ngunit nag-reply diyan ang naturang basher na may TikTok username na @mizuki at sinabing: “Wala kasing anak.”

Baka Bet Mo: Epal na basher durog na durog kay Heart: UL*L…the only word your vocabulary can attain!

Burado na ang nasabing komento, pero ibinandera ito ni Heart sa kanyang TikTok page upang pagsabihan.

“Napipikon ako sa’yo ah,” sey ng socialite.

Wika pa niya, “Please comment with your real account so I can address you properly. But since you didn’t use your real account, I cannot address you properly and I will not address you properly.”

“My dear, it’s already 2024. I have lost four babies already. Don’t give me this sh*t,” sambit pa ni Heart.

Kwento niya sa viewers, “So may nag-comment na you’re only pretty because you didn’t have a child.”

At dito niya ipinaliwanag na inaalagaan kasi niya ang kanyang balat at madalas siyang magpunta sa dermatologist na isa sa rason kaya laging siyang looking fresh.

“Darling, nag-eeffort po akong magpaganda and I live a very grateful and peaceful life—that makes a big difference,” mensahe niya sa basher.

“Napikon ako ha,” saad niya sa dulo ng video at nagbiro pa na ipapahanap niya sa management ng TikTok ang walang modong netizen.

@lme85 Replying to @mizuki ♬ original sound – Heart Evangelista

Magugunita noog Mother’s Day, ibinalita ni Heart na nawalan ulit sila ng anak ng mister na si Sen. Chiz Escudero.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng aktres ang isang liham para sa kanyang “4th angel” na tinawag niyang “FrancisKo.”

Kung matatandaan noong May 2018, unang nalaglag ang kambal na kanyang dinadala.

Makalipas ang isang buwan ay nakunan muli siya na pinangalanan naman niyang Baby Mira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nitong Marso, inamin ng social media influencer sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” na sinubukan nila ni Sen. Chiz na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng In vitro fertilization o IVF.

Binigyan niya ito ng pangalan na Sophia Heart, pero hindi ito matagumpay na nabuo bago ang kanilang renewal of vows.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending