Coleen nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Billy: Never!

Coleen nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Billy: Never!

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Coleen nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Billy: Never!

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 12:20 AM

Coleen nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Billy: Never!

Billy Crawford, Coleen Garcia at Amari

NAG-TALK na ang aktres at dating TV host na si Coleen Garcia tungkol sa hindi mamatay-matay na chika na hiwalay na raw sila ni Billy Crawford.

Naglabas ng resibo si Coleen para patunayan at ipagsigawan sa buong universe na maligayang-maligaya pa rin siya sa piling ng asawa, kasama ang anak nilang si Amari.

Feeling ng dating host ng “It’s Showtime”, baka iniisip ng madlang pipol na hiwalay na sila ni Billy at may problema sa kanilang married life dahil madalas na nasa ibang bansa ang actor-singer because of his work.

Baka Bet Mo: Coleen isinama ang anak sa lock-in shoot: Hanggang ngayon kasi breastfeeding pa rin ako

Sey pa ni Coleen, mula noong ikasal sila taong 2018 ay wala silang naging problema ni Billy at hanggang ngayon ay maayos na maayos ang kanilang pagsasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi nagkaroon ng time na parang naghiwalay kami or pahiwalay na. Never.

“Ever since na we got married, walang naging mabigat na kasalanan sa akin si Billy. Just to be clear, to dispel any rumors there are,” paglilinaw ng aktres sa panayam sa kanya ni Luis Manzano para sa YouTube vlog nitong “Luis Listens.”

Samantala, hanggang ngayon ay hands-on mom pa rin si Coleen sa three-year-old son nila ni Billy na si Amari.

“I understood God’s love more when I became a parent. The first three years of life niya talagang todo tutok, at my own expense.

Baka Bet Mo: Coleen ibinandera ang ‘beach date’ with Billy, netizens humirit ng baby no. 2

“Nawawala na itong time ko for myself, yung time namin ni Billy for each other. I really put Amari before everything,” pag-amin niya.

Inalala rin ng celebrity mom ang naging buhay niya noong kasagsagan ng pandemya kasama ang anak, “I always thought na kapag nagkaanak ako, I would be the type na palagi ko siyang iikot everywhere.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


“Ang laking factor din pala noon na for the first three years of Amari’s life, we are mostly at home,” sabi ng aktres.

When asked what her favorite moment was being a new mom, Coleen told Luis that it was a gradual process for her to ease into the role.

“I always thought na when you had the child parang automatic yung feeling, but I think for some mom, like me, ito yung nangyari, it happened gradually.

“It’s not immediate na switch na, ‘Oh my gosh Nanay ako. Oh my gosh, the most beautiful thing ever’. Hindi, eh. It was a progression for me.

“The more time I spent with him, the more I felt innovative, even until ngayon. Every day I still feel more and more in love with him.

“We feel like we’re giving everything talaga, like a piece of our soul, kaya kung pwede ko ibigay lahat, ibibigay ko pero I learned also na kailangan mo talaga na magtira para sa sarili mo especially when you’re married,” aniya pa.

Hindi masyadong aware si Coleen sa mga chika about her and Billy dahil hindi naman daw siya nagbababad sa social media.

“I try to become more active on social media because it has become an extension of my job. Like a lot of the work I get nowadays is from social media talaga.

“So I try to be active but at the same time like we’re going through a major transitional phase in our life. So siguro kasi hindi kami nagpaparamdam online. Yun ba yun? Maybe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Because we are doing all of these sacrifices kasi he has worked abroad. We are trying to sacrifice as much as we can for the sake of our future also together,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending