Manilyn Reynes sa ‘loveteam statement’ ni Liza Soberano

Manilyn Reynes sa ‘loveteam statement’ ni Liza Soberano: You can do it on your own, ipakita mo what you’ve got!

Pauline del Rosario - May 19, 2023 - 11:52 AM

Manilyn Reynes sa ‘loveteam statement’ ni Liza Soberano: You can do it on your own, ipakita mo what you’ve got!

PHOTO: Instagram/@manilynreynes27

HINDI sang-ayon ang batikang aktres na si Manilyn Reynes sa  “loveteam statement” ng aktres na si Liza Soberano kamakailan lang.

Magugunitang nag-trending ang naging podcast interview ni Liza kasama ang South Korean star na si Ashley Choi at American rapper na si Peniel.

Nabanggit diyan ng aktres na para sumikat sa Philippine showbiz industry ay kailangang may ka-love team.

“It’s been going on in the Philippines for a long time since like in the 80’s (or) 70’s and in the Philippines, the only way to become big star really, if you’re not a singer is to become a love team,” sey ni Liza.

Ngunit para kay Manilyn, kayang-kaya namang sumikat ang isang artista kahit walang katambal, basta’t ipakita lamang ang talento.

Sa naging panayam with King of Talk Boy Abunda, inihayag ng veteran actress ang kanyang opinyon.

Baka Bet Mo: Manilyn Reynes pinaghintay ng 4 na oras sa taping ng isang youngstar, at ang nakakaloka hindi pa kabisado ang dialogue

“Disagree. Certainly, kaya mong gawin ‘yan on your own,” sey ni Manilyn sa programang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Paliwanag niya, “‘Yun nga Tito Boy, ang sinasabi ko, ano ‘yung talent na ibinigay sa’yo. ‘Diba hindi mo kailangan ng isa pa.”

“Hindi ko sinasabi na hindi mo kailangan ng ka-love team. Somewhere, sometimes, somehow, kailangan meron ka ring ka-love team lalo na kapag growing up,” dagdag niya.

Ani pa ng batikang actress, “Pero of course, you can do it on your own. Ipakita mo what you have got.”

“Kasi sa totoo lang, ang hirap ng half-baked na ginawa mo, tingnan mo kapag napansin mo rin, kapag napanood mo, ‘ay parang dapat meron pa akong binigay’,” sambit pa niya.

Nabanggit din ni Manilyn na hindi madali ang pag-aartista dahil matinding disiplina at seryosong training ang kailangang pagdaanan.

Ayon pa sa kanya, apat na dekada na siya sa showbiz at patuloy pa rin siyang natututo pagdating sa pag-arte.

“Everyday, natututo pa rin po ako. Sa 40 years sa industriyang ito, ayoko pong tumigil na matuto kasi pag nag-stop na tayo, wala na,  ano pa ang mangyayari. I still listen, I still ask,” ani ni Manilyn.

Related Chika:

Dingdong nanawagan na tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Odette: Kailangan nating ipakita ang suporta natin sa ating kababayan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Pepito Manaloto’ nina Bitoy at Manilyn babu muna sa GMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending