Liza Soberano pinakiusapan ni Mama Loi: ‘Iangat naman niya ‘yung Philippine showbiz’
MAY munting pakiusap si Loi Valderama sa dating alaga ni Ogie Diaz na si Liza Soberano.
Sa kanilang latest episode ng “Showbiz Update” ay muli nilang napag-usapan ang recent interview ng aktres kung saan nabanggit na naman ang pagkakaroon ng love team sa Philippine industry.
Ayon kasi sa panayam ni Liza sa Korean podcast, “In the Philippines, the only way to become a big star – really, if you’re not a singer, if you’re an actor, is to be in a love team.”
Kaya naman hindi rin napigilan ni Loi ang maglabas ng saloobin hinggil sa naturang interview.
“Pero ‘nay may wish lang ako. Sana sa mga suusnod na interviews ni Liza Soberano, iangat naman niya ‘yung Philippine Show business nay na nagbigay sa kanya ng ganyang kasikatan na mayroon siyang 18 million subscribers,” pagbabahagi ng kaibigan ni Ogie.
Pagpapatuloy nito, “Kung hindi rin naman sa Philippine show business hindi rin naman niya ma-aachieve ‘yung ganyan. At hindi rin naman siya mapapansin sa Hollywood ‘di ba? kung wala siyang ganyang achievement.”
Baka Bet Mo: Liza Soberano ayaw nang mag-artista pagdating ng edad 30: I want to learn how things work behind the scenes
Aniya, marami pa rin naman ang nagmamahal sa dalaga dito sa Pilipinas kung saan siya unang nakilala at sumikat.
Dagdag pa ni Loi, masaya sila para kay Liza na unti-unti na itong gumagawa ng pangalan sa Hollywood pero sana raw ay maging proud ito na naging bahagi ng Philippine industry.
“Happy kami para sa’yo na sumisikat ka diya sa Hollywood. Pero ‘yun lang nga, e ‘yung iba lang sa atin e nakakaramdam ng tampo.
“Ba’t parang hindi siya proud na kaisa niya kami parang gano’n yung nangyayari pag naririnig natin na medyo hindi positibo ‘yung mga sinasabi niya tungkol sa Pilipinas,” mensahe ni Loi kay Liza.
Related Chika:
Cristy Fermin gulong-gulo na kay Liza Soberano: Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.