Cristy Fermin gulong-gulo na kay Liza Soberano: Ano ba talaga ang gusto ng batang ito? | Bandera

Cristy Fermin gulong-gulo na kay Liza Soberano: Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?

Therese Arceo |May 03,2023
facebook
share this

Cristy Fermin gulong-gulo na kay Liza Soberano: Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?

Therese Arceo - May 03, 2023 - 04:44 PM

Cristy Fermin gulong-gulo na kay Liza Soberano: Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?
HINDI na maintindihan ng kolumnistang si Cristy Fermin kung ano nga ba talaga ang nais ng aktres na si Liza Soberano sa paraan ng pagtawag sa kanya ng publiko.

Sa kanilang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” muli nilang natalakay ang naging interview ng dalaga sa Esquire magazine kung saan sinabi niyang nagugulat siya sa tuwing tinatawag siya ng “Hope” ng madlang pipol.

Saad ni Cristy, “Noong una siyang tumalak, gusto niyang tawagin siya sa kanyang tunsy ba pangalan na ‘Hope’. Ngayon namang tinatawag siya ng mga kababayan natin sa pangalang ‘Hope’ kapag may nakakakita sa kanya, mas gusto pa rin niya na Liza pa rin ang tawag sa kanya.

Pagpapatuloy pa ni Romel, maski siya ay naguguluhan dahil kahit raw sa social media ay nananatiling Liza Soberano ang pangalan nito.

“Nakakapagdalawang isip kasi magtatanong ka na lang [ng] ‘Ano ba talagang gusto ng batang ito?’ Napka-fickle minded po niya. Paiba-iba ang takbo ng kanyang isip. Ang gusto niya ‘Hope’ dahil ‘yun daw ang tunay niyang pangalan. Gusto niyang makilala siya sa tunay niyang siya,” talak ni Cristy.

Pagpapatuloy pa niya, “Tapos ngayon pag tinatawag siyang siya, sa pangalang hope, parang naninibago raw siya kasi nasanay na siya na ang tawag sa kanya ay Liza. So saan tayo ngayon?”

Baka Bet Mo: Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’

Ayon kasi sa interview ni Liza sa Esquire, mukhang nagkaroon ng misunderstsding sa naging pahayag niya na “Call Me Hope”. Aniya, gusto pa rin niya ang kanyang screen name na Liza lalo na’t doon siya nakilala st minahal ng tao.

Idinaan naman sa biro ng tatlo kung ano ba ang dapat itawag kay Liza. Para kay Romel ay “Philip” dahil pinipilit raw nitong mag-ibang anyo. Kay Wendel naman ay “Sobe” short for Soberano habang pars kay Cristy ay “Lukring”.

“Ang magandang itawag sa kanya ngayon para hindi na siya nagrereklamo, ‘Lukring’. Kasi hindi mo malaman kung ano ang tunay niyang gusto.

“Tapos malalaman mo nalang iba na ang buhay niya sa Amerika, kumpara sa pinagdaanan niyang buhay dito sa Pilipinas na pagkaganda ganda,” chika pa ni Cristy.

Samantala, hinangaan naman nila ang desisyon ng karelasyon nitong si Enrique na hindi nagbibigay komento ukol sa mga ginagawa ng aktres.

Related Chika:
Cristy Fermin hindi pa maibalik ang condo unit na bigay ni Willie, wala raw dokumento: Naggsumbat-sumbat siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin sa chikang hiwalayan nina Manny-Jinkee: Hindi ako naniniwala kasi kita ko ‘yung language of love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending