Cristy Fermin sa chikang hiwalayan nina Manny-Jinkee: Hindi ako naniniwala kasi kita ko ‘yung language of love | Bandera

Cristy Fermin sa chikang hiwalayan nina Manny-Jinkee: Hindi ako naniniwala kasi kita ko ‘yung language of love

Reggee Bonoan |February 04,2023
facebook
share this

Cristy Fermin sa chikang hiwalayan nina Manny-Jinkee: Hindi ako naniniwala kasi kita ko ‘yung language of love

Reggee Bonoan - February 04, 2023 - 08:23 PM

Cristy Fermin nagtataka kung sino ang nagpapakalat ng hiwalayang Manny-Jinkee: Hindi ako naniniwala kasi kita ko ‘yung language of love

Cristy Fermin at Jinkee Pacquiao

ITINANGGI kamakailan ni Annabelle Rama na kaibigan ng mag-asawang ex-Senator Manny at Jinkee Pacquiao na hiwalay sila dahil sa problema sa pera, pero ang nakatataka ay hindi pa rin namamatay ang isyu.

Sa “Showbiz Now” Na vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload sa YouTube ngayong hapon, Sabado ay may mga karagdagang impormasyon silang tinalakay kung bakit may pinagdadaanang problema ang mag-asawa.

“Ang una po naming papaksain ay puro po patanong ang ibabato namin sa langit dahil kami mismo ay hindi nakasisiguro kung ano ang itutugon sa tanong na ito pero pinagpipistahan na po ito at kami rin ay naguguluhan na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

“Ang tinutukoy po namin ay ang balitang hiwalay na an gating Pambansang Kamao, dating senator Manny Pacquiao at Jinkee,” bungad ni ‘nay Cristy sa viewers ng SNN.

Sabi naman ni Romel Chika, “Alam mo ‘nay gusto kong hanapin talaga kung saan nag-ugat ‘yang kuwento.”

Matagal na kasing nababalita ito at ilang malalapit kina Manny at Jinkee ang nag-deny na hiwalay na pero bakit paulit-ulit itong lumalabas, hindi namamatay ng kusa tulad ng sinasabing it will die naturally.

Paniniwala naman ni ‘nay Cristy, “saka pag may usok, may apoy.”

Sabi ng beteranang host ay ano ang dahilan kung bakit sumulpot ang ganitong balita pagkatapos ng eleksyon.

Ang sitsit kasi ay naubos na ang pera ni Manny noong kumandidato siya sa pagka-Presidente sa nakaraang eleksyon na umabot sa bilyones.

Kaya rind aw nagkaroon ng exhibition game sa boksing kamakailan sa ibang bansa ay para makalikom din ng pera dahil may bayad ito.

“Ito pa po, tanong na naman ito mg aka-chika, naubos daw po ang pera ng Pambansang Kamao dahil sa sobrang paggastos ni Jinkee Pacquiao,” say ni nanay Cristy sabay tanong kay Romel Chika kung ano ang komento niya.

“Posible rin kasi pag kinukuwenta nila ‘yung damit ni Jinkee Pacquiao di ba (OOTD), umaabot ng tatlong milyon. Isang damit lang at saka mapapansing walang humpay, araw-araw iba-iba,” komento ni Romel Chika.

Hirit naman ni Wendell, “siyempre ang bag niya Hermes bag, e, magkano ang presyo no’n? Tapos mga alahas niya pa, sapatos niya pa.”

“Ang pera nauubos kahit tapi-tapiton pa ang pera mo, sako-sako pa kapag puro palabas at walang ipinapalit dadating ka sa ilalim said na. Hindi na ipinagmamalaki ang pera nauubos ‘yan maliban na lang kung ikaw ang pinakamayaman sa buong mundo na kahit ano pa ang gawin mong bisyo, kahit ano pa ang bilhin mo hindi ka kakapusin, hindi ka mauubos,” esplika naman ni ‘nay Cristy.

Katwiran ni Romel Chika na wala namang nababalitaang may negosyo ang pamilya Pacquiao na pinagkukunan para may pumapasok sa mga lumalabas nilang pera.

Isa pang pasabog na tanong ni ‘nay Cristy ay usapan sa mga umpukan na baon daw si Jinkee sa isang jewelry shop.

“Hindi nap o namin babanggitin kung sino itong sikat na sikat na Jeweller pero ang balita ay daan-daang milyon daw po ni Ms Jinkee Pacquiao dito sa tindahan na ito ng mga alahas,” seryosong pahayag ng vlogger/host.

“So, ‘yung mga suot na alahas, hikaw utang lahat ‘yun?” balik-tanong ni Wendell.

“Meron naman siyang binibili naman siyempre may pambili naman. Pero may mga gives (hulugan), sigurado may ganu’n,” katwiran ni ‘na Cristy.

Sa opinyon naman ni Wendell since suki na si Jinkee sa tindahan ng alahas ay pinapayagan na siyang isuot ang mga ito ng wala pang bayad at saka na lang magkuwentahan para nga naman kapag may bumati sa magagandang alahas ng wifey ni Pacman ay babanggitin niya kung saan ito nabili at libreng promotion ito.

Ikalawang pasabog na tanong pa ni ‘nay Cristy ay, “mayroon daw naghahabol kay senador Manny Pacquiao na isang bilyonaryo na nagbigay ng earnest money sa ibinebenta nilang bahay sa Forbes Park at nu’ng magkatuluyan daw ang pagbebenta ni Manny at ni Jinkee sa ibang tao (ibinenta).

“Kinukuha na raw nu’ng billionaire ‘yung P500 million pesos na ipinauna niya pero hindi na naibalik. ‘Yun ngayon ang pinagtatalunan, maibabalik pa ba o hindi na? Hinahabol ba o nabayaran na?”

Matatandaang nabalitang ibinebenta ang mansion ng mga Pacquiao noon sa Forbes Park sa halagang P2 bilyon.

Pakiwari naman ni Wendell, “siguro may iba siyang ka-deal, mas malaki siguro ‘yung bigayan doon sa isang ka-deal kaya ibinenta sa kanya kaya dapat ibalik niya (many) ‘yung pera (sa unang nagbigay ng bayad). Wala naman silang pirmahan na forfeited ‘yun, eh.”

Ipinagdiinan din ni nanay Cristy na hindi siya naniniwala sa balitang may ibang karelasyon si Jinkee at ang bahay na tinitirhan nila sa kasalukuyan ay ang ipinagawa ito ng karelasyon ng asawa ng Pambansang Kamao.

“Hindi ako naniniwala kasi kita ko ‘yung language of love at hindi nila sasayangin itong tagumpay na ito para ngayon pa sila maglokohan!” katwiran ni ‘nay Cristy.

Say naman ni Romel Chika na kung sakaling wala ng pera ang mga Pacquiao at nasanay lagi sa may pera ay posibleng mauwi rin sa hiwalayan base in sa mga kuwentong narinig ng SNN hosts.

Mukhang malalim ang isyung ito tungkol kina dating senador Manny at Jinkee kaya bukas ang BANDERA sa panig nila.

 

Related Chika:
Hiwalayang Manny at Jinkee fake news, Annabelle Rama umalma: Alam ko kung sino ang gumagawa ng tsismis, mamatay ka sa inggit!

Cristy Fermin may buwelta sa mga bashers: Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jinkee Pacquiao itinanggi ang isyung pagbubuntis, hindi rin hiwalay kay Manny: ‘We are very much in love!’

Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending