Jinkee Pacquiao itinanggi ang isyung pagbubuntis, hindi rin hiwalay kay Manny: 'We are very much in love!' | Bandera

Jinkee Pacquiao itinanggi ang isyung pagbubuntis, hindi rin hiwalay kay Manny: ‘We are very much in love!’

Therese Arceo |February 01,2023
facebook
share this

Jinkee Pacquiao itinanggi ang isyung pagbubuntis, hindi rin hiwalay kay Manny: ‘We are very much in love!’

Therese Arceo - February 01, 2023 - 04:49 PM

Jinkee Pacquiao itinanggi ang pagbubuntis, hindi rin hiwalay kay Manny: We are very much in love
NAGSALITA na ang asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao patungkol sa diumano’y pagbubuntis niya at ang hiwalayan nila ng dating senador na si Manny Pacquiao.

Sa isang statement na inilabas ng socialite-entrepreneur sa programang “Fast Talk with Boy Abunda”, sinagot niya ang mga isyung ilang araw nang pinag-uusapan.

“Fake news! I am NOT pregnant. Pinapaimbestigahan na namin sino ang nagkakalat ng fake news na ‘yan!” saad ni Jinkee sa text message.

Dagdag pa niya, “We are very much in love [with] each other and going stronger everyday. God is good!”

Matatandaang ilang araw na ring laman ng usapan ng mga marites sina Jinkee at Manny kaya nga nagsalita na ang malapit nilang kaibigan na si Annabelle Rama.

Itinanggi nga nito ang balitang hiwalay na ang dalawa dahil saksi siya sa pagmamahal ng dalawa.

Nag-post rin si Jinkee sa kanyang Instagram account ngayong araw ng larawan nila ng dating senador.

“Home is wherever i’m with you. By your side is where i want to be. I Love You, babe!” sey pa nito sa caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

“I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG NAG TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT’S A FAKE NEWS. UNANG UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAG HIWALAY ANG MAG ASAWA DAHIL SA NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY,” saad ni Annabelle.

Aniya, busy raw si Jinkee sa construction 3 hectares ng kanilang mansion na dream house nila ng asawang si Manny.

“KAYA YUNG MGA MARITES, TIGILAN NYO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT,” sey pa ni Annabelle.

Related Chika:
Hiwalayang Manny at Jinkee fake news, Annabelle Rama umalma: Alam ko kung sino ang gumagawa ng tsismis, mamatay ka sa inggit!

True ba, Jinkee Pacquiao nagmaldita raw sa ibang bansa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

Jinkee Pacquiao nagpaabot ng tulong para sa pagpapa-dialysis ni Lolit Solis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending