Jinkee Pacquiao nagpaabot ng tulong para sa pagpapa-dialysis ni Lolit Solis | Bandera

Jinkee Pacquiao nagpaabot ng tulong para sa pagpapa-dialysis ni Lolit Solis

Ervin Santiago |August 31,2022
facebook
share this

Jinkee Pacquiao nagpaabot ng tulong para sa pagpapa-dialysis ni Lolit Solis

Ervin Santiago - August 31, 2022 - 01:54 PM

Jinkee Pacquiao, Bernard Cloma at Lolit Solis

NAGPAABOT na rin ng tulong pinansiyal ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa talent manager at TV host na si Nanay Lolit Solis.

Todo ang kanyang pasasalamat kay Jinkee dahil bukas-palad daw itong nagbigay ng financial assistance para sa kanyang pagpapagamot.

Nagpapa-dialysis kasi ngayon si Nanay Lolit bilang bahagi ng treatment sa kanyang karamdaman at very welcome sa kanya ang lahat ng mga magbibigay ng tulong sa kanya.

Sa kanyang Instagram page, naibalita nga ng talent manager na dinalaw siya ng PR consultant at kaibigan ni Jinkee na si Bernard Cloma na siyang pinakiusapan ng misis ni Pacman na mag-abot ng kanyang “ayuda.”

“Alam mo ba Salve na mamahalin mo talaga si Bernard Cloma dahil kita mo concerned niya sa kanyang mga friends.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“Dumalaw siya sa dialysis session ko, at para lang mapasaya ako, tinawagan niya mga closest at sweetest friends niya na sila Jinkee Pacquiao at Alice Eduardo.

“Talagang grabe ang tiwala at pagmamahal sa kanya ni Jinkee Pacquiao, dahil sa siguro sinabi ni Bernard ang dialysis ko, talagang sinabi niya kay Bernard na bigyan ako ng red envelope pambayad sa medical expenses ko.

“Bongga talaga na isang call lang ni Bernard, hayan, bukas na agad ang palad ni Jinkee Pacquiao.

“Kaya kahit ano pa sabihin, mamahalin mo ang isang Bernard Cloma,” ang caption na inilagay ni Nay Lolit sa kanyang IG photo na kuha sa kanyang hospital room.

Nauna rito, inamin din ng veteran talent manager na mas naa-appreciate na niya ngayon ang lahat ng blessings na dumarating sa buhay niya kahit na gaano man ito kaliit o kalaki.

“Siguro nga pag may sakit ka emotional lagi ang feeling mo. Madali mo ma appreciate lahat ng bagay na ginagawa sa iyo. Ngayon ko nga naisip iyon laki ng mga nagagawa ninyo ni Gorgy sa buhay ko.

“At talagang nakita ko iyon honest care ninyo sa akin. Ngayon ko rin naisip na kung wala iyon mga ibang tao sa paligid ko, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon.

“Pag maysakit ka kasi, madalas nagri rewind mga bagay sa utak mo. Madalas you look back, at duon mo makita mga bagay na lumagpas dati sa paningin mo.

“Kung minsan, dapat talaga makaramdam ka ng sakit para makita at appreciate mo ibang bagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hay naku, talagang self pity na nararamdaman ko, parang inapi, pinabayaan, at hindi mahal kaya meron akong sakit, huh huh huh,” pahayag pa ni Nanay Lolit.

Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

True ba, Jinkee Pacquiao nagmaldita raw sa ibang bansa?

Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending