Cristy Fermin hindi pa maibalik ang condo unit na bigay ni Willie, wala raw dokumento: Naggsumbat-sumbat siya | Bandera

Cristy Fermin hindi pa maibalik ang condo unit na bigay ni Willie, wala raw dokumento: Naggsumbat-sumbat siya

Reggee Bonoan |February 17,2023
facebook
share this

Cristy Fermin hindi pa maibalik ang condo unit na bigay ni Willie, wala raw dokumento: Naggsumbat-sumbat siya

Reggee Bonoan - February 17, 2023 - 07:11 PM

Cristy Fermin hindi pa maibalik ang condo unit na bigay ni Willie, wala raw dokumento: Naggsumbat-sumbat siya, ipinahiya niya kami sa buong bayan

Cristy Fermin at Willie Revillame

PAANO isosoli ang isang property kung wala namang pinanghahawakang dokumento ang pinagbigyan?

Ito ang malaking tanong ni Nanay Cristy Fermin sa ibinigay ni Willie Revillame na condo unit sa kanya noong 2017, e wala naman pala siyang papeles na hawak.

Sa kanyang programa kasama si Romel Chika sa Radyo 5 92.3 News FM ay naikuwento ng kolumnista ang senaryo.

Nang makausap daw nito ang admin ng Wil Tower tungkol sa pagso-soli ng unit ay sinabihan si ‘nay Cristy na iko-konsulta ito sa property manager para sa proseso ng pagsa-sauli.

Nabanggit pa ng taga-Wil Tower admin na kapag turn over na ang titulo ng unit kay Revo na anak ni ‘nay Cristy ay sila na ni Willie ang mag-uusap tungkol sa pagbabalik ng unit.

“Tama rin naman, di ba! Heto ang nakakatawa na naging comedy sa amin iyan ng pamilya.

“Naisip namin, si Willie sinumbat-sumbatan ako tungkol sa unit na ‘yun, e, ni kapiranggot na dokumento pala, e, wala naman kaming hawak. Mula po noong 2017 hanggang ngayon na nagsasalita ako wala pong dokumento,” natatawang kuwento ni ‘nay Cristy sa CFM habang nakikinig si Romel.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)

 

Naalala pa ni ‘nay Cristy ang paborito niyang bandang The Beatles dahil habang nasa eroplano sila ay sinulat ni John Lennon sa palara ng sigarilyo ang awiting Let it Be at Hey Jude. At least daw ay may ebidensiya.

“E, ito pong sinasabi ni Willie na unit kahit po sa takip ng Choc Nut, e, wala naman kaming papel na hawak, walang dokumento ano ang ibabalik namin?”takang-takang sabi ng CFM host.

Dagdag pa, “nagsumbat-sumbat siya, ipinahiya niya kami sa buong bayan wala naman pala siyang hawak na ebidensiya (binigyan kami ng unit).”

Ipinaalala rin ng right hand ni ‘nay Cristy na si Tina Roan a buwan-buwan ay nagbabayad sila ng monthly dues simula 2017 tapos wala naman palang katibayan nap ag-aari nila ang unit.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Willie tungkol dito.

 

Related Chika:
Cristy Fermin ‘pambansang kahihiyan’ raw ang ginawa ni Willie sa kanila nina Ogie at Gab: ‘Yang bibig mo itikom mo!

Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin ‘pambansang kahihiyan’ raw ang ginawa ni Willie sa kanila nina Ogie at Gab: ‘Yang bibig mo itikom mo!

Cristy Fermin naghakot na ng gamit sa condong bigay ni Willie: Magiging ugat pala ito ng pagkakasira natin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending