Cristy Fermin naghakot na ng gamit sa condong bigay ni Willie: Magiging ugat pala ito ng pagkakasira natin
TULUYAN na ngang tinanggal ng kolumnistang si Cristy Fermin ang mga kagamitan niya sa ibinigay na condo unit ni Willie Revillame sa kanya.
Sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” ay ibinahagi niya na unti-unti na nga siyang nagtatanggal ng gamit sa unit na ibinigay sa kanya ni Willie na nasa 39th floor at never naman raw niyang nagamit dahil mas sanay siya sa mas mababang tirahan.
“At tulad po ng sinabi ko na ibabalik ko po ‘yung unit na pinagtrabahuhan ko kay Willie Revillame. Dalawang araw na po ang nakararaan nakapaghakot na po kami. Ang nandun na lamang ay yung malalaking piraso na hindi kakasya sa sasakyan,” saad ni Cristy.
Chika niya, kung barubal lang siyang klase ng tao, talgang hindi magagandang salita ang sasabihin niya ngayong ibabalik na niya ang ibinigay ng “Wowowin” host.
“Gusto kong sabihin, kung kasing barubal ako ni Willie Revillame, gusto kong sabihin na eto na yung condo mo, isaksak mo sa baga mo pero hindi po ‘yun ang terminong iiwan ko ngayon,” pagbabahagi ni Cristy.
Aniya, hindi raw kasi siya kasing tapang at kasing mapanumbat gaya na lamang ng TV host-comedian.
“Hindi po ako kasing tapang, kasing mapanumbat tulad ni Willie, Hindi po ganun. Ang gusto ko nalang sabihin, maraming salamat,” sey pa ni Cristy.
View this post on Instagram
“Eto na ulit yung isinumbat mo sa’king condo unit. Mabubuhay ako nang wala ito. Mabubuhay din ako ng wala ka. Kung paanong mabubuhay ka nang wala ako,” lahad ni Cristy.
Dagdag pa nito, “Hindi ko alam na magiging ugat pala ito ng pagkakasira namin.”
Related Chika:
Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’
Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.