Dingdong nanawagan na tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Odette: Kailangan nating ipakita ang suporta natin sa ating kababayan
NASULAT namin dito sa BANDERA kamakailan na posibleng makatunggali ni Christian Bables sa pelikula niyang “Big Night” pagka-Best Actor sa 2021 Metro Manila Film Festival ay sina Dingdong Dantes at John Arcilla para sa “A Hard Day” produced ng Viva Films at nagbase kami sa napanood naming trailer sa nakaraang MMFF announcement of Magic 8.
Napanood na namin ang “Big Night” at mahusay talaga si Bables mula sa direksyon ni Jun Robles Lana under IdeaFirst Company, Cignal, Octobertrain at Quantum Films.
Totoo naman pala ang sapantaha namin, sina Christian at Dingdong ang mahigpit na magkalaban sa best actor dahil sa best supporting si John na napakagaling talaga.
“May best actor na for MMFF,” ito ang mga narinig naming komento sa ginanap na premiere night ng Filipino adaptation na “A Hard Day” nitong Miyerkoles ng gabi sa Cinema 1 SM Megamall. Oo nga, ang husay ni Dindong, wala kaming masabi bagay na bagay sa kanya ang karakter niyang Police Intel.
Nauna na naming napanood ang Korean version nito na ipinalabas noong 2014 sa South Korea kaya alam na namin ang kuwento at parehong-pareho ang pagkakagawa, walang binago sa Pinoy adaptation maliban sa mga artistang nagsiganap.
At kahit alam na namin ang kuwento ay napapangiwi pa rin kami sa action scene nina Dingdong at John. Mas magandang panoorin ito sa big screen at hindi masasayang ang pera n’yo.
Ang nakakatuwa pa ay dalagita na ang gumanap na anak ni Dingdong sa “A Hard Day” na si Lhian Key Gimeno na 10 years old lang daw siya noong sinyut nila ang pelikula at ngayon ay tila nasa 5’2 na siya sa edad na 12.
View this post on Instagram
Samantala, fresh from Israel ay dumalo si Dingdong sa premiere night minus John dahil masama ang pakiramdap niya dahil nabigyan siya ng COVID 19 booster shot nitong Martes.
Sa sandaling panayam sa bida ng “A Hard Day” ay nanawagan siyang sana mabigyan ng tulong ang mga biktima ng super typhoon Odette.
Aniya, “Now more than ever, ito ’yung panahon na kailangan nating ipakita ang suporta natin sa ating mga kababayan,”
Masaya ang aktor dahil pagkalipas nang dalawang taon ay bukas na ang mga sinehan at sana magtuluy-tuloy na ulit ang sigla ng movie industry.
“Nakaka-miss ang ganito at happy ako na kahit papaano at may red carpet na rin kaya thank you to MMFF and to Viva Films for pushing for this. Slowly babalik tayo at despite of the success of screening in digital platforms, iba pa rin talaga ang experience sa big screen dahil napi-feel mo,” pahayag ng aktor.
Bukod kay Dingdong ay dumalo rin ang ibang cast ng “A Hard Day” tulad nina
Meg Imperial, Lhian Key, Gary Lim, Guji Lorenzana, Aj Muhlach, Kedebon Colim, Janno Gibbs at si direk Lawrence.
Mapapanood na ang A Hard Day simula sa Disyembre 25 sa mga sinehan sa Metro Manila at sa Disyembre 27 naman ang MMFF awards night.
Related Chika:
Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.